Kabanata 20

123 6 1
                                    

"Surprise!"


Napasapo ako sa noo ko nang makita ang mga kaibigan ko nang buksan nila ang ilaw.



"Surprise my ass, you idiots!"


Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Kei. Gladly, hindi na siya kinakabahan ngayon. Baka atakihin pa 'to sa tabi ko.


"Hindi na kayo nahiya, nagkalat pa kayo. 'Di n'yo naman bahay 'to." Inis akong pumasok.


Nagkalat ang confetti na pinaputok nila kanina.


"Lynxy, kalma. Lilinisin namin, 'no ka ba."


Napa-irap na lang ako.


Turns out, naglinis nga sila pagkatapos naming kumain ng hapunan. Tumulong na lang din ako, hindi ko naman sila matiis na mag-struggle kahit pa lima silang naglilinis. Tapos tinulungan pa nu'ng kasambahay nina Tita Sandra. Napa-iling na lang ako nang matapos.


Nagtungo ako sa taas at pumasok sa kwarto para maligo.


Nasa baba si Riegzuel, nakikipag-kwentuhan kay Tito Ken.


Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng navy blue t-shirt and a pair of black denim shorts.


Nagsuot ako ng bra since lalabas pa 'ko at nandito ako ngayon sa ibang bahay. Tatanggalin ko na lang kapag matutulog na 'ko.


Lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba. Naabutan ko sila sa sala, hinihintay ako dahil usapan namin, tatambay kami sa labas.


"Kei, gusto mo bang sumama?" Tanong ko kay Kei nang bumaba siya para magtimpla ng gatas niya.


"Saan?"


"Sa labas lang, tatambay."


"Gusto ko pero may assignment pa 'ko, eh." She pouted.


"Sa anong subject?" Tanong ko sa kaniya.


"Practical research 2,"


"Ah, 'yun ba? Magaling si JL du'n," tumingin ako sa mga kaibigan ko. "'Di ba, guys?"


"Huh?" Makahulugan akong tumingin sa kanila as if nakikipag-usap.


"Ah, oo. Quantitative ba? Magaling 'yan sa math. BSCE 'yan, eh." Sabi ni Ze na parang binubugaw si JL.


"Ah, okay." Tumingin siya kay JL. Parang hindi naman makatingin nang diretso si JL kay Kei kaya mahina akong natawa.


Sumama nga si Kei sa'min. Umiinom sina Tito Ken at Riegzuel, hanggang sa sinamahan sila nina Livo at Tristan.


Kami naman ay nag-coke lang.


"Kei, single ka ba?" Tanong ni Lena.


Tumango si Kendra. "Study first ako, eh."


"Pero pwede kang magkaroon ng boyfriend?" Tumango ulit siya.


"Kei, ito oh, reto ko na sa'yo 'tong si JL. Perwisyo lang 'to sa grupo namin. Napaka-ingay kasi walang jowa. Sa'yo na lang para manahimik na." Zeryne said and pat JL's shoulder in a harsh way so JL almost winced at the weight of Ze's hand.


"Aray naman, Zeryne Lee. Kung 'di ka lang anak ng dean natin sa university, eh."


"Ay hindi, JL. Kahit pa hindi ako anak ng dean, kahit pa anak ako ng pinakamahirap sa buong mundo, hindi mo pa rin ako kayang gantihan."


HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon