Kabanata 5

139 5 0
                                    

"Ang ganda!"





Agad akong napangiti nang maisukat na ni Aliyah ang isang maliit na purple gown.





Monday ngayon, tapos na rin ang klase nila Laze since half day lang din naman sila, kaya napagdesisyonan na naming bumili ng susuotin namin sa Sabado.





Thursday ang birthday ni Densier pero sa Saturday ang party niya.





Purple rin ang pinili kong kulay dahil 'yun ang theme ng party niya.





Expect ko naman na 'yun, eh. She's an ARMY after all, BTS fan.





"Gusto mo niyan?" Tanong ko. Mabilis siyang tumango kaya ngumiti ako saka tumayo mula sa pagkakaluhod para lang mapantayan siya.





"We'll take it." Sabi ko kaya tumango ang sales lady. Nakaka-irita nga lang. Makatitig kasi sa'min kala mo wala kaming pambayad.





Alam kong 'di kasya 'yung binigay ni Ninang Lidia na five thousand pero nagdagdag ito ng ten thousand dahil nasabi ni Laze na may kasama kaming apat na bata.





Medyo nakakahiya pero tinanggap na lang namin. Ipagpipilitan din naman niya 'yun kung hindi namin tatanggapin, eh. Gaya noong ginawa niya kahapon.





Pinahubad ko na kay Aliyah ang dress saka pinahawak kay Laze.





"Pipili lang ako ng para sa'kin." Sabi ko kay Laze.





In-assist naman ako ng sales lady na ngayon ay naka-ngiti na sa'kin.





Kinuha ko ang isang off shoulder purple long gown that has a slit on the side of the skirt.





Its top was v-cut that's revealing the person's chest and backless.





Pumasok ako sa fitting room.





Nang maisuot ko na 'yun, lumabas ako saka humarap sa malaking salamin.





"It suits you." Agad akong napatingin sa may side nang may magsalita.





"Anong ginagawa mo rito?" Agad na tanong ko.





"May tinignan lang kami, eh nakita ko 'yung kapatid mo." Sabi niya habang naglalakad palapit sa'kin. Napatingin ako sa paligid. Wala ang sales lady na sumusunod sa'kin kanina. Siguro may inasikaso.





"You look..." Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula paa hanggang ulo. "Stunning."





Tipid lang akong ngumiti. "Salamat." Sabi ko.





Medyo naiilang lang ako dahil hindi ko alam kung paano siya ia-address.





Mahina itong natawa nang mabasa siguro kung anong nasa isip ko.





"May date ka ata," aniya kaya umiling ako.





"A-attend ako ng debut ng kinakapatid ko." Sabi ko kaya napatango siya.





"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ulit.





"Kuya Riegz! I like this oh!" Sabi ng isang bata at may dala-dalang maliit na gown gaya kay Aliyah pero mas magarbo lang ang kaniya.





Napatingin siya sa'kin. "Hello," bati niya sabay kaway.





Napangiti ako saka yumuko ng kaunti para mapantayan siya. "Hello, anong pangalan mo?" Tanong ko agad.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon