Kabanata 8

125 6 1
                                    

"Uhm..."





Nagising ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.





"Putang ina, 'yung ulo ko..." Halos pabulong na sabi ko sabay hawak sa ulo ko.





Napatingin ako sa baywang ko dahil may naramdaman akong mabigat doon. Para akong nabuhusan ng tubig na punong-puno ng ice dahil sa brasong nakita ko sabay pa nang mapagtantong tanging underwear nalang suot ko!





Akmang tatayo ako nang hatakin ako ni Riegzuel at pinadikit sa kaniya. Ramdam ko ang pagsubsob niya sa mukha niya sa leeg ko sabay halik doon.





"Good morning," bulong niya. Napangiti ako.





"Good morning din." Sabi ko saka inalala ang nangyari kagabi.





Napapikit ako nang maalala pinag-gagawa ko. Puro kahihiyan! Umiyak pa 'ko sa harap niya! Tapos naghubad pa 'ko! Tanga mo, Lynxy!





"Uhm... Tungkol kagabi-"





"Don't worry, hindi 'yun lalabas sa kwartong 'to. Promise." Napangiti ako saka tumango.





"Thank you,"





"Saan?"





"Sa pag-intindi mo sa sitawasyon ko, sa pakikinig ng hinanakit ko, at sa pagpaparamdam na special ako."





"You deserve it. As I said last night, you deserve the world, okay? Be confident, I'm always here to support you."





Humarap ako sa kaniya saka yumakap. Niyakap niya 'ko pabalik. Kumalas na ako saka pagakakayakap sa kaniya saka na bumangon pero napahawak ako sa ulo ko nang maramdamang kumirot ito. Ayoko nang uminom!





Pasimple kong tinakpan ng kumot ang katawan ko pero natawa siya.





"Wala namang nangyari, 'no?" He chuckled and shook his head.





"I would ask permission first, Lynxy. I respect women." So if pinayagan ko siya, may mangyayari? Hay, Lynxy! Gumising ka na! Hindu pwede 'yun!





Napatango na lang ako. Bumangon naman na si Riegzuel at nagtungo sa banyo. Ngayon ko lang din napagtanto na boxer shorts na lang ang suot niya.





Uminit ang mukha ko habang pinapasadahan ng tingin ang malalaman niyang pang-upo. Nang isara na niya ang pinto agad akong dumapa at nagsisisigaw sa unan.





Napakabaliw mo talaga, Lynxy! At bakit mo naman naisip na hihingi siya permiso para magalaw ka, eh hindi ka naman niya gusto! Stop fantasizing, Lynxy!





Nang nakuntento na 'ko, saka na 'ko tumayo at kinuha ang dress ko sa sahig saka iyon isinuot.





Pagkalabas ni Riegzuel, hindi ko pa rin naizi-zipper ang dress. Dito rin ako nagka-struggle kahapon noong sinusuot ko 'to.





Lumapit sa'kin si Riegzuel at siya na ang nag-zipper nu'n.





"Thank you," sabi ko kaya ngumiti siya saka tumango. "Uhm... may aspirin ka?" Tanong ko sabay kamot sa batok ko.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon