Kabanata 34

130 5 6
                                    

"Happy birthday, baby!"



Agad akong yumakap kay Clylene saka humalik sa pisngi niya. It's already June 30 and it's Clylene's birthday. Kararating ko lang galing sa condo ni Riegzuel.



Hinatid ako ni Riegzuel hanggang sa lobby dahil kailangan niyang umuwi sa Las Piñas.



"Here," I handed her the gift from Riegzuel. "That's from your Tito Riegzuel. And of course, mine." I gave the rectangular box na naglalaman ng personalized bracelet.



Kumislap ang mga mata niya nang makita ang regalo saka mabilis ba kinuha 'yun mula sa kamay ko.



"Op, Cly, later na, anak." Lena interjected when her daughter was about to open the gift.



Nailing na lang ako saka na pumasok na sa kwarto ko. Naligo lang ako saka nagpalit ng pangbahay. Thursday ngayon pero nag-leave muna kami sa trabaho para i-celebrate ang birthday ni Clylene.



Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko si Lena na inilapag ang ilang mga regalo sa mesa coffee table.



"Oh, naka-uwi ka na pala, Madam?"



Inirapan ko si JL saka pumasok sa kwarto ni Zeryne.



Nakaharap siya sa laptop niya at may kausap. Mukhang importante dahil hindi man lang niya ako pinansin nang pumasok ako.



[Anak, sabi ko naman sa'yo na hindi mo na kailangang magtrabaho bilang isang sekretarya. You have your life, Ze. The life that everyone wished, yet you're at that kind of state. Your life's waiting for you in England.]



Bumuntong hininga si Zeryne. "Mom, I'll talk to you later." She, then, ended the call, without letting her mom respond.



Lumapit ako sa kaniya saka hinugot ang vanity chair niya papunta sa tabi niya. She leaned her head on my shoulder while looking at her desktop.



"You think mas maganda ang buhay ko kapag sinunod ko si Mommy?" She suddenly asked.



"Magiging masaya ka ba kung ang desisyon ng iba ang susundin mo?" I asked her back.



Tumingin siya sa'kin saglit bago ulit inihilig ang ulo sa balikat ko. Hindi siya nagsalita pero alam ko kung ano ang sagot niya ro'n. Nakilala ko siya, she's been following her mother's will. But when we graduated, she became independent. Natuto siyang magdesisyon para sa sarili niya.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon