Kabanata 24

98 4 0
                                    

TW: harassment.

“Mommy, tara sa salon.”

“Sure, baby, when do you want to go?” I giggled when my mother agreed.

“Today,” her gaze shifted to me. Mas lalo akong bumungisngis. “Please?”

Napabuga siya ng hangin saka saka isinara ang laptop niya. “Call your sister and we’ll go.”

I punched upwards before running to Laze’s room. I knocked three times before entering.

“Laze, salon daw tayo,”

Napatingin siya sa’kin. Nagce-cellphone siya. “Kayo na lang, Ate, tinatamad ako. Enjoy kayo,” ngumiti siya. I just shrugged before entering my room. Nang makapag-palit ako, lumabas na ako ng kwarto at agad nang bumaba.

Hinihintay naman na ako ni Mommy sa living room. Nang makita niya ‘ko, tumayo na siya. Agad kaming nagtungo sa garahe. Umupo ako sa shotgun habang si Mommy sa driver’s seat and we drove to a salon.

“Napakaganda naman,” sabi agad ni Daddy nang makapasok kami sa bahay. Nasa sofa sila ni Laze, nanonood ng balita.

Umakyat na kami ni Mommy sa taas at nagpalit at para ayusin na rin ang mga pinamili namin kanina.

Nang okay na, lumabas na ako bitbit ang para kay Laze saka dinala sa kwarto niya. Bumaba na ‘ko at dumeretso na sa dining dahil nandu’n na silang tatlo, hinihintay ako.

We prayed before eating. Sobrang saya namin nu’ng gabing ‘yun.

Tatlong araw ang nakalipas, may meeting na pupuntahan sina Mommy at Daddy. Dinner meeting daw.

Nasa study room ako, nagbabasa ng libro sa mismong tapat ng bintana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatingin ako sa labas.

Agad akong nakaramdam na parang may mali. Biglang kumabog ang dibdib ko nang hindi malaman ang dahilan.

Umiling na lang ako saka lumabas ng study room. Pagkalabas ko ay sakto namang lumabas ang mga magulang ko. My dad was wearing a perfect black suit with his pair of brown oxfords. While my mom was wearing a white button-down shirt tacked in with he pencil cut knee-length skirt and her pair of high heels. Her hair was tied in a high ponytail. Naka-makeup siya. May hawak din siyang folders. Apparently, my dad’s agenda for the meeting.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon