Kabanata 3

178 6 2
                                    

"Initin mo na 'yang mga 'yan,"





"Tapos?" Tanong niya nang mailabas ko na ang mga tira namin kagabi. It was sealed in a Tupperware naman, na nanggaling sa restaurant kaya 'di na kami nahirapang tumingin ng Tupperware na paglalagyan kagabi. Punong-puno nga ang ref, eh. To the point na kailangan naming tanggalin ang ilang laman para magkasya.





4 AM palang ng madaling araw. Talagang inagahan kong gisingin si Laze dahil may pasok ako mamaya sa Café, kaya ngayon, sabog na sabog pa siya. Muntik pang masunog ang prime rib na pinapainit niya sa sobrang antok.





Dalawa naman kaming nag-iinit ng mga pagkain since dalawa ang stove.





"Ako na nga d'yan, tulog ka na lang ulit. Gisingin na lang kita pagkatapos." Sabi ko saka na inagaw sa kaniya ang sandok na hawak niya.





Antok siyang lumabas ng kusina at nagtungo sa kwarto. Napa-iling na lang ako at talagang itinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko.





Sobrang dami talaga ang laman ng dalawang paper bag, at iba't ibang putahe ang nilalaman at talagang nanggaling sa fancy restaurant.





Some of these are; Bacon-Wrapped Tenderloin, Prime rib, Italian pasta, Beef Wellington, Creamy Spinach Stuffed Salmon in Garlic Butter, Roast Rack of Lamb, Barilla Lasagna, Roast beef, Italian Stuff Flank Steak, etcetera.





Pagkatapos kong ipainit lahat, nilagay ko na sa mga dating lagayan at nilagay ko sa counter ang lahat ng 'yun at inayos.





Nilagay ko na sa paper bag na may logo pa ng restaurant at sa ibaba ng logo ang pangalan. KJF Restaurant. Parang 'yung sa logo lang din sa folder ni Riegzuel kagabi.





Ilang sandali akong napatigil nang maalala kung paano niya hipan ang sugat ko kagabi. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Ipinilig ko ang ulo ko saka huminga ng malalim.





Nang matapos ko nang ayusin lahat, naglakad na 'ko papunta sa kwarto. Tumingin ako sa wall clock, 5:21 AM na. May isang oras din pala akong nag-handa. Sana lang 'di pa paubos ang gas.





Inilabas ko ang mga maruruming damit sa lugar kung saan kami naglalaba, hiniwalay ko ang mga de-color sa puti at ang mga itim.





Si Laze ngayon ang maglalaba kaya ire-ready ko na lang. Ibinabad ko na ang mga puti pati na rin ang uniform niya.





Nag-start na ang klase niya noong first Monday ng June. Sa August pa ang pasukan namin kaya may time pa ako para mag-ipon.





Nang maibabad ko na, pumasok na ako ng banyo saka na naligo. Pagkatapos ko ay agad na akong bumalik sa loob ng kwarto at ginising na si Laze.





"Laze, gising na." Sabi ko habang nagpipili ng susuotin ko mula sa drawer.





Wala kaming closet dito, eh. Iisang drawer lang din ang gamit namin. 'Yung may anim na shelves. Tatlo sa'kin, tatlo rin kay Laze. Kaunti lang din ang mga damit namin kaya kasya.





"Laze, tanghali na, aalis pa ako mamaya para magtrabaho." Sabi ko. Kita kong bumangon ito, inaantok. "Sige na, maligo ka na para makakain na tayo." Utos ko.





Tumayo siya saka humikab. Inaantok na kinuha ang tuwalya niya at lumabas na ng kwarto.





Nailing na lang ako saka inilabas ang isang oversized black shirt and a pair of white trouser. Una kong isinuot ang hidden bag ko na lagi kong dala at doon nilagay ang halos lahat ng perang dala ko pati na rin ang cellphone ko. Tanging ang pamasahe ko lang sa jeep ang pera na nasa bulsa o 'di kaya'y sa bag ko.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon