Kabanata 19

117 7 1
                                    

“Putang ina, ‘yung ulo ko!”


Napasapo ako sa noo ko dahil sa sobrang kirot nito. Feeling ko sasabog nang wala sa oras.

 
 

Pumasok si Riegzuel sa kwarto nang may dalang pagkain.


“Good morning, drunkard.” Bati niya saka ipinatong sa bedside table ang tray na dala niya.

 
 

Napatingin ako sa suot ko.

 
 

“Ikaw ang nag-ayos sa sarili mo,”

 
 

“Tangina, ang bobo ko naman kung ganu’n,” sabi ko dahil baliktad pa ang damit ko.

 
 

Natawa siya saka umupo sa tabi ko. Umupo ako saka sumandal sa headboard ng kama.

 
 

“A-anong nangyari kagabi?” Nahihiyang tanong ko.

 
 

Napatigil siya sa paghalo sa lugaw saka tumingin sa’kin. “Hindi mo maalala?”

 
 

“Konti lang,”


“Well, wala naman nangyari. Ang himbing nga ng tulog mo, eh.” Sabi niya saka ipinagpatuloy ang paghalo sa lugaw. “Magmumog ka na du’n at nang makakain ka na.” Sabi niya kaya ‘yun ang ginawa ko.

 
 

Nagmumog ako’t naghilamos na. Inayos ko na rin ang suot ko at bumalik sa kama.


Hinipan niya ang nasa kutsara saka itinapat sa bibig ko. Tinanggap ko ‘yun. Napatingin ako sa kaniya.


“Nagpa-room service ka?” Tanong ko. Umiling siya saka muling naglagay ng pagkain sa kutsara’t hinipan.


“No,”

 
 

“Nag-order?”


“Hindi rin,” itinapat niya ulit ang kutsara sa bibig ko. Tinanggap ko ulit.


“Eh ano? Hindi mo naman alam magluto,”


“I cooked it,” napatigil ako. “I watched a tutorial from YouTube.”

 
 

Nilunok ko ang nginunguya ko. “Seryoso? Pucha, mas masarap ka pa magluto kesa sa’kin?” I dramatically held my chest. “I feel defeated.” Natawa siya saka muli akong sinubuan.


Sa totoo lang, masarap ang luto niya.


Napatingin ako sa kamay niyang may bandage kaya naningkit ang mata ko.


“Dapat nag-order ka na lang,” sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.

 
 

“I want to serve you,”


“Serve, my ass.” Tumingin ako sa kaniya. “Kahit naman in-order mo lang, kakainin ko pa rin as long as sa’yo nanggaling. Hindi mo naman na kailangang pahirapan pa sarili mo para lang maipagluto ako.”


Nagui-guilty tuloy ako.

 
 

Mahina siyang natawa saka muli akong sinubuan.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon