Kabanata 21

113 5 1
                                    

"Grabe, I missed them already. Tara balik tayo,"



Mahinang natawa si Riegzuel habang naglalagay ng mainit na tubig sa mug niya.



Wednesday na and nandito na kami sa condo ni Riegzuel dito sa Taguig. Isa sa mga branch ng RVM condominium.



Monday ng madaling araw kaming umalis sa Cagayan and nakarating kami dito sa NCR, maggagabi na.



Kahapon, buong araw kaming nagpahinga ni Riegzuel. Sina Zeryne, nandito lang din sa condo, nasa kabilang unit nga lang. Same room sila ni Selena habang sina Livo, JL at Syl, sila rin ang magkakasama sa kwarto. Ipinagamit ni Riegzuel for free. It was her parents' and brothers' unit.



Zeryne has been convincing me to stay at their unit but then ayokong si Riegzuel dito mag-isa.



Hindi rin sila lumabas kahapon para magpahinga. Kaya ngayon, mamamasyal kami pero hindi kasama si Riegzuel dahil may kailangan daw siyang asikasuhin.



Inilapag ni Riegzuel ang kape na tinimpla niya para sa'kin kaya ngumiti ako saka nagpasalamat.



Maayos naman ang last two days na stay namin sa Cagayan. Nu'ng Sunday, sumama kami kina Tita Sandra para magsimba. And as I expected, kumpleto kaming lahat. 'Yun din ang araw na namasyal kami sa Dam. We even bathed there.



Ang noong aalis na kami, they really woke up early to say goodbye. Xena even cried. That silly girl.



Kasama naming lumuwas ng Maynila sina Tito Manuel pero nauna silang nakarating sa bahay nila since sa Caloocan sila nakadistino.



"Kailan tayo uuwi sa Lucena?" Tanong ko saka kumuha ng cookies na ipinabaon nina Tita Sandra sa'min. Isang jar.



"Sa Saturday, may mga kailangan akong i-meet, eh." Napatango ako. "Okay lang ba sa'yo? If want mo nang umuwi, pwede ka namang makisabay kina Zeryne."



Mabilis akong umiling. "It's totally fine. I like it more when I'm with you,"



Ngumiti siya saka tumayo at tumuwad para humalik sa noo ko.



Pagkatapos naming mag-breakfast, naghanda na kami. Naunang naligo si Riegzuel habang ako naman ay naghugas muna ng mga pinagkainan namin.



Nang matapos, pumasok na 'ko sa kwarto. Sakto namang palabas si Riegzuel kaya ako na ang sumunod na naligo.



After that, pumasok na 'ko sa walk-in closet. Nagsusuot pa lang si Riegzuel ng button-down shirt niya pero nakasuot na ng gray suit pants.



Inilabas ko na ang mga damit ko at hinintay na matapos siya.



He put his black tie on and wear his gray waistcoat then covered it with his gray suit jacket. He wear his pair of black oxfords.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon