“Pa’no mo ‘ko ngayon aalagaan n’yan kung ‘di ka marunong magluto?”
Agad akong tumawa nang sumama ang shell ng itlog sa bowl.
Sumimangot siya saka dahan-dahan na tinanggal ang maliit na shell doon.
Nandito na kami ngayon sa apartment. Hindi pa rin umuuwi si Laze. Ang sabi niya sa’kin, next week na lang daw dahil kakailanganin niya ng laptop at WiFi para sa contest na sinasalihan niya. It was an English news writing and talagang kailangan niyang mag-focus doon.
Gladly, hindi niya napapabayaan ang mga lessons niya. Naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon niya ngayon, ganu’n din naman ako sa noon dahil ako lagi ang pinapasabak when it comes to news writing, minsanan pa sa mga essays, tapos kapag may activity kami, sa’kin pinapagawa ang script.
“What should I do next?” Tanong ni Riegzuel nang matanggal na ang mga shell sa bowl.
“Put some salt and vetsin. You can also put some pepper if you want.” Sabi ko kaya nagtataka siyang tumingin sa’kin.
“Nilalagyan ng paminta ang itlog?” Nagtatakang tanong niya.
Natawa ako saka tumango.
Nagtataka siyang naglagay ng seasoning sa itlog kaya nailing na lang ako.
Agad na kaming dumeretso kanina rito at since hindi kami nakabili ng pagkain sa labas, nag-insist siya na siya ang magluluto. Eh ang available lang naman dito sa kusina ay itlog at mga noodles.
Ubos na rin kasi ‘yung mga pinamili kong ulam last week. Good for one week lang kasi ‘yun.
“Then?”
“Then beat it with a fork,”
Tumango siya saka kumuha ng tinidor saka binatil ang itlog.
“Okay na ba ‘tong consistency niya?” Tanong niya saka ipinakita sa’kin.
“Yes, Prof.”
Tumango ulit siya saka inihanda na ‘yung pan na paglulutuan niya.
“Konting mantika lang ilagay mo para ‘di masyadong ma-cholesterol.” Sabi ko nang hinawakan niya ang bote ng mantika.
“Yes, chef.” Sabi niya kaya napa-irap ako.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...