Kabanata 29

141 4 7
                                    

"My schedule, in my office."





Agad akong tumayo saka kinuha ang notebook ko kung nasaan ang schedule niya at mabilis siyang sinundan sa office niya.





"You have a meeting with Mr. Imperial by 9:00 AM, lunch meeting with Ms. Faundeza, concrete block checking at Makati, 2 PM, and dinner meeting with Mr. Ruelos, 6 PM."





Damn, binabasa ko pa lang ang schedule niya, napapagod na 'ko.





Tumango siya habang pinaglalaroan ang ballpen niya. 'Yung bigay ko.





"May kailangan pa po kayo?" Tanong ko.





"Yes, I need you to sign this." Sabi niya saka inilabas ang isang folder.





"Ano po 'yan, Sir?"





"It was the contract." Sabi niya saka inilapag ang ballpen sa folder. "Nakalimutan kong papirmahan sa'yo."





Tumango ako at naglakad palapit sa table niya. I was about to read it when my phone rang.





"Sorry," sinagot ko ang tawag. "JL?"





[Nandito ako sa labas ng office ni Sir Riegzuel.]





Napatingin ako sidelight at nandu'n nga si JL.





"Ah, wait." Tinapos ko na ang tawag saka na pinermahan ang limang papel nang hindi na binabasa. "Sir, may bilin pa po ba kayo?" Umiling lang siya. Tumango lang ako saka na lumabas.





"Oh," ini-abot ni JL sa'kin ang flask ko.





Ngumiti ako saka 'yun kinuha. "Salamat,"





"Napaka-makalilimutin mo," tumingin siya sa office ni Riegzuel. "Kaya ka nabubuntis, eh."





Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinampas ang braso niya. Tumawa siya nang malakas.





"Tangina nito. Makabuntis ka sana tapos taguan ka ng anak gaya nang ginawa ni Selena." Sabi ko saka umirap. "Umalis ka na! Napaka-aga't napaka-lamig sa lugar ko nag-iinit dugo ko sa'yo!" Bulyaw ko. Natawa lang siya saka na umalis.





Batuhin ko 'to ng heels, eh!





Umirap ako saka padabog na nilagay sa mesa ang flask ko. Nabubwisit ako sa JL na 'yun! Sarap sabunutan hanggang sa matanggal ang buhok!





Uminom ako sa tubig ko saka tinignan ang email ko.





Nang may dumating na isa kaya binasa ko 'yun.





From: annaramos2@gmail.com

Appointment for Riegzuel. 9 AM tomorrow.





Agad na nangunot ang noo ko. Anna Ramos? Hindi ba marunong gumawa ng formal email 'to?





"Lynxy,"





Napatingin ako sa radio sa tabi ko.





"Sir,"





Ilang sandali siyang natahimik. Napa-tingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa radio sa tabi niya at mukhang nakikipag-away sa sarili niya tungkol sa sasabihin niya.





"Sir," pagtawag ko ulit sa kaniya.





Nakita ko siyang umayos ng upo. "Uhm... When you hear this," naka-rinig ako ng buzzer mula sa ilalim ng desk ko. Napatingin ako roon. May isang red button. "It means you need to come inside."





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon