Kabanata 1

262 6 0
                                    

Tumingin ako sa matayog na gate ng University nang makababa ako sa jeep.


Huminga ako nang malalim. New school, Lynxy. Sabi ko saka pumikit nang mariin.


Pagmulat ko, agad na akong pumasok. Hindi pa naman simula ng klase pero nandito ako para mag-enroll.


'Yung principal din ng paaralan kung saan ako nag-aral ng junior and senior high ang nag-recommend sa'kin dito na siya ring sumusuporta sa pag-aaral ko. I mean, siya ang magpapaaral sa'kin. It's like I'm her scholar.


Hindi naman ako makatanggi dahil sobrang mapilit ang taong 'yun. Pero alam ko rin namang na hindi ko kayang mapagtapos ang sarili ko nang ako lang mag-isa. Kung nabubuhay pa siguro sina mommy at daddy, hindi na sana ako aasa sa tulong ng iba.
 


Agad akong nagtungo sa gymnasium ng university saka ibinigay ang card ko saka umupo sa bakanteng upuan at hinintay na tawagin ang pangalan ko.


"Lynxy Kate Salcedo." Agad akong tumayo saka lumapit sa dean. May nakalagay na Dean Emma Zamora sa harap niya, eh.


Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik sa ulo ko saka muling tumingin sa card ko. Awkward ko itong nginitian.


"You're Lidia's goddaughter?" Tanong niya kaya agad akong tumango. "Take you seat." Aniya kaya umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.


"I thought Lidia was just joking about you," she commented.


"P-po?"


"Well, naka-usap ako ni Lidia about sa'yo at nasabi niya ang tungkol sa grades mo. You're indeed a brilliant student. How did you handle to have a straight line of nine in your whole academic year?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


Hindi ko alam ang isasagot ko kaya awkward na lang akong natawa.


"Do you have your form 137?" She asked. Agad kong ibinigay sa kaniya ang folder kung nasaan lahat ng mga requirements ko.


I watched her looking at my grades from my secondary school and her lips formed an 'o'.
 


"Deserve to be a valedictorian, tho." She commented. She moved the papers and looked for my birth certificate. Muli siyang tumingin sa'kin sabay baba pa ng salamin niya. "Your parents are Daisy and Wilbert Salcedo?" Awkward akong ngumiti saka tumango.


"Oh my gosh, you really get you parents' brilliance when it comes to academics. Always make your parents proud, even though they aren't with you, they're always proud of you. Kahit ako proud na 'ko sa'yo." Ngumiti ako saka tumango.


"Thank you po, dean." Sabi ko kaya ngumiti siya.


"O'sya, next time na tayo magchikahan, I still have a lot of things to do. Please fill-up this form and give it to Professor Reyes." Aniya saka bigay ng isang form. Kinuha ko 'yun pati na rin ang folder ko saka na bumalik sa upuan ko.


It was an ordinary form like in high school. It only needs to put the name, age, citizenship, guardian, final average, address, contacts such as email and phone number, the school I came from and the course I'm going to take. Nilagay ko na lang sa guardian ay si Ma'am Lidia kahit naman dalawa lang kami ng kapatid ko ang magkasama.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon