"That would be all 5,650 pesos, Sir."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sobrang dami na ng mga pinamili namin.
Nahihiya na 'ko sa kaniya. Kinukumbinsi ko siyang tanggapin ang 10,000 ayaw niyang tanggapin.
Ibibigay ko 'to kay Riezelle.
"Ate Lynxy, gutom na po ako," sabi ni Aliyah sabay hatak sa damit ko.
Napatingin si Riegzuel sa kaniya matapos marinig ang sinabi niya. Magkatabi lang kami kaya alam kong rinig na rinig niya.
"Wait lang, ha? Patapos na 'to, kakain na tayo mamaya." Sabi ko kaya tumango siya saka bumalik sa kinauupuan nila ni Zelle kanina.
"Anak n'yo po?" Tanong nu'ng cashier.
"No,"
"Hindi." Agad naming tanggi.
"Ah... Sorry, para po kasi kayong mag-asawa." Sabi niya habang nilalagay sa paper bag ang mga pinamili namin.
"Eighteen pa lang po ako," sabi ko. Her lips formed to 'o' after hearing what I've said.
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Riegzuel kaya tinignan ko siya ng masama.
Nailing siya saka tumingin sa harap.
"She's... a friend." Pagpapaliwanag niya. "Kung magkaka-asawa man ako, paniguradong ipapaalam agad ng media ang tungkol doon."
"Sabagay," sabi naman ng cashier habang patuloy ang paglagay ng mga damit sa paper bag. "Pero bagay po kayo," habol niya saka inayos na ang tatlong paper bag na puno ng damit.
Ngumiti ito sa'kin. "Thank you for buying, please come again." Sabi nito habang nakangiti.
Ngumiti na lang ako saka nauna nang umalis since binuhat na ni Riegzuel ang mga paper bag, pati na rin ang galing sa Imperstyle Boutique.
Agad nga kaming nagtungo sa isang restaurant at doon na kumain.
Nang maka-upo kami, agad na kaming nag-order ng pagkain.
Habang hinihintay namin ang pagkain na in-order namin, hindi ko mapigilang hindi mailang sa mga titig ng ibang tao.
Aside from keeping their gaze to our table, kumukuha rin sila ng mga larawan ni Riegzuel, napasimangot tuloy ako.
"Could you please stop taking some pictures without my permission?" Agad na sabi ni Riegzuel kaya napatingin ako sa kaniya. Tumingin ako sa paligid at halos lahat na sila nakatingin sa'min.
Seryoso na naman ang mukha niya, halatang ayaw ang pinaggagawa ng mga tao. Tinignan ko ang mga bata, nakatingin sila kay Riegzuel na may takot sa mga mata nila. Ganoon din sina Riezelle at Laze. Lahat ng tao dito sa table namin natatakot sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa kaya napatingin siya sa'kin
"Natatakot na'ng mga bata sa'yo," bulong ko.
Tumingin siya sa mga bata kaya kumalma siya ng kaunti.
"Excuse me," sabi niya saka nagtungo sa restroom.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...