Kabanata 25

121 3 0
                                    

“Bakit hindi mo agad sinabi sa’min?”



Napapunas ako sa pisngi ko. “I’m trying to forget about it. Sobrang hirap ang makulong sa nakaraan.”



Hindi sila nagsalita. Ilang sandali pa ay dumating si Tita Valerie.



“Nasa’n si Livo?” Mabilis na tanong niya nang makalapit sa'min. Tumayo kami. Nagkatinginan kaming lahat bago tumingin sa pinto ng emergency room nang lumabas ang doctor. Mabilis na lumapit si Tita Valerie sa doctor. “How’s my son?”



“He’s stable now, but…” he pursed his lips a bit. “Maraming dugo ang nawala sa kaniya, kaya kinakailangan niyang masalinan ng dugo.” Napayuko ako. Muli kong naramdaman ang luha ko sa pisngi ko. Narinig ko ang pag-hikbi ni Tita Valerie.



Pabagsak akong napa-upo. Napasapo ako sa mukha ko habang patuloy sa pag-hikbi. “I’m sorry…” I almost whispered. Tumingin ako kay Tita Valerie. “Sorry, Tita… K-Kasalanan ko po…”



Lumapit siya sa’kin saka ako niyakap. “It’s not your fault, hija. Walang may gusto nito, okay?”



Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya hanggang sa nilabas na nila si Livo para mailipat sa isang ward.



Sinundan namin ‘yun. Nang maayos na nilang nailipat si Livo, lumapit si Zeryne sa’kin. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak palabas para pumunta sa banyo.



Sumunod naman si Selena sa’min. Patuloy pa rin ako sa pag-hikbi. Hindi ko mapigilan.



“Sige na, linisin mo muna ang sarili mo… uuwi tayo maya-maya para magpalit, okay? Sasamahan ka namin ni Lena,”



Tumingin ako sa nanginginig kong kamay. Halos tuyo na rin ang dugo sa kamay ko. Tumingin ako sa salamin. Sobrang namumugto ang mata ko, magulo ang buhok at may dugo sa pisngi ko. ‘Yung pagpunas ni Livo kanina sa pisngi ko.



May dugo sa jacket at sa pantalon ko.



Humarap ako sa sink saka naghugas ng kamay. Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ko. Parang masusugat ko na rin ‘yun.



“Lynxy, please kumalma ka muna…” Nagmamakaawang sabi ni Lena, takot na masaktan ko ang sarili ko.



Napa-upo ako sa sahig saka umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. May mga tao nang nadadamay dahil sa’kin. Worst, kaibigan ko pa.



Yumakap si Lena sa’kin. Lumabas si Zeryne dahil nakatanggap siya ng tawag.



“You went through a lot of challenges, malalagpasan mo rin ‘to gaya noon, okay? Nandito lang kami para sa’yo, magpakatatag ka.”



Inalo niya ako hanggang sa humihina na ang pag-hikbi ko. Inalalayan niya akong tumayo at tinulungan na ring linisin ang sarili ko.



Bumalik kami sa ward ni Livo. Pumasok kami may mga pulis na sa loob at mukhang hinihintay ako.



Tumayo sila nang makita ako. They interviewed me. Lahat ng mga nangyari sinabi ko.



“Captain Arellano, do everything to catch that Simon Bruno. Magbibigay ako ng pabuya sa kung sino man ang makapagtuturo kung nasaan ang hayop na ‘yun,” Galit na sabi ni Tita Valerie. Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya.



“Gagawin namin lahat, Val.” Tumango si Tita Valerie. “Expected na na mabubulok siya sa kulungan para pagbayaran ang lahat ng mga ginawa niya. Napakaraming kaso ang maaaring isampa sa kaniya.”



HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon