Kabanata 17

101 8 1
                                    

"Uuwi muna ako bukas sa apartment,"





"Sasamahan kita." Umiling ako saka uminom ng tubig.





"Okay lang ako,"





"Pero gusto kitang samahan,"





"Wala ka bang-" napatigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone niya.





"Excuse me, I need to take this."





Tumango na lang ako saka ipinagpatuloy ang pag-kain.





Saturday na naman bukas kaya nagpapaalam ako sa kaniya na uuwi para maglinis sa apartment saka para mag-impake na rin since napag-usapan na namin ni Riegzuel na sa condo niya muna ako maninirahan.



Pilit siya nang pilit, eh. Wala naman na akong choice kaya nag-agree na lang ako.



At sa mga nakaraang araw naman, nasasanay na kami na may nagbubulong-bulongan sa likoran namin sa t'wing nasa labas kami ng block namin.





Naiinis kami, oo, pero nagagawa naman na naming kontrolin ang mga sarili namin.





Mas nagiging close na rin kami nina Livo, JL at Syl pero parang lumalayo ang loob ni Hannah sa'min.





Hindi ko lang alam kung bakit pero parang may hinanakit siyang kinikimkim towards us.





I'm not sure if alam nina Zeryne or maybe napapansin nila. Nakikisama naman siya sa'min tuwing break pero kapag lunch, I don't know. Paminsan-minsan na lang, eh. Ang rason niya lagi, sa room siya kakain since may baon siya.



Ayaw naman namin siyang pilitin kaya hinahayaan na lang namin. Baka naman kasi mainis kung pipilitin pa namin, 'di ba? Baka sumbatan pa kami na bakit kami nanghihimasok sa desisyon niya. Much better na suportahan at sumang-ayon na lang kami sa gusto niya.



Napatingin ako sa kaniya nang bumalik siya sa hapag.



"Sorry about that,"



"Sino 'yun?"





"A friend,"



Napatango ako sa sagot niya.





"Uh, by the way, mahal," napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kaniya.





"H-huh?" Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili kong ngumiti.





Ngumiti siya. "Can you move your schedule this Sunday? May kailangan akong asikasuhin, eh."





Umiling ako. "Gusto kong magsimba sa Sunday,"



HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon