Kabanata 35

151 5 5
                                    

"Paanong na-kidnap, Ninang?!"



Mabilis akong napabangon sa sobrang gulat.



[Tinawagan ko si Earl kahapon, pero hindi niya kasama. Hindi ko sinabi sa'yo dahil baka may pinuntahan lang pero hindi siya umuwi buong gabi... Sobrang nag-aalala na kami kaya itinawag namin sa pulis, pero wala pang 24 hours para maidiklarang na-kidnap siya. Kaya hinintay namin siya nang buong magdamag. Halos dito na rin natulog si Earl, pero...]



"Pero ano, Ninang?"



[May nagpadala ng video ni Laze na naka-gapos sa isang upuan at walang malay kaninang umaga lang.]



Napatigil ako sa sinabi ni Ninang hanggang sa naramdaman ko ang luha kong dumaloy sa pisngi ko.



"Nasa inyo pa rin po ba 'yung video?" Nanginginig na sabi ko.



[Meron, anak.]



"Pwede po bang i-send n'yo sa'kin?"



[Sige,]



I ended the call and checked my messenger. May isang dummy account ang nag-send ng video kaya tinignan ko 'yun.



Agad akong napasapo sa bibig ko nang i-play ko 'yun. It was Laze, sitting on a chair, unconscious while her hands and feet were tied.



Lumapit 'yung nagvivideo sa kapatid ko saka hinaplos ang pisngi niya hanggang sa bumaba ang kamay niya sa button shirt ng kapatid ko.



"No," my tears started to stream down my cheeks. Tinanggal niya ang butones ng suot ng kapatid ko. "No please..." I plead as if naririnig ng lalaking nagvi-video. "Please, 'wag ang kapatid ko!" I almost scream.



[Sampung milyon katumbas ng buhay, kalayaan at hindi pag-papakalat ng video na 'to. Sasabihin ko ang ilang detalye maya-maya.] Rinig kong sabi ng lalaki sa likod ng camera saka hinaplos ang leeg ng kapatid ko pababa sa may dibdib niya.



"Putang ina mo." Nag-hihimutok na ako sa galit.



I immediately message that dummy account.



Lynxy: How dare you touch my sister?! Sinasabi ko sa'yo, pagsisisihan mo lahat nang mmga ginagawa mong hayop ka.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon