"Ano? May nangyari ba?"
Inirapan ko si Lena pagkapasok ko. Kararating ko lang at 'yun agad ang tinanong! 'Di man lang tinanong kung kumusta ako, kumusta ang byahe. Napaka-chismosa talaga.
"Wala,"
"Bakit wala?"
"Bakit wala?" I mocked her. "Nagbalikan kami, oo."
"Ayun lang? Hina naman,"
"Ulol, porket nagbalikan na may sex agad? Epal 'to." Umirap ako saka na pumasok sa kwarto ko. One week lang kami sa Palawan pero na-enjoy namin.
Dahil du'n sa pinost ko na picture namin, some reporters are messaging us but of course we tend not to speak about it for now. Isasali lang din naman nila sa question 'yung Anna na 'yun.
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-exercise. Dito na lang sa kwarto ako nag-exercise at nang matapos, naligo na 'ko't naghanda para sa trabaho.
Nagsuot lang ako ng black off shoulder top, A-line high waist skirt and my heels. Kinuha ko ang blazer, cellphone, bag at mga gamit ko sa trabaho saka na lumabas.
"Ma'am, may ipapalaba po ba kayo?" Tanong ni Ate Merlina pagkalabas ko.
"Ah, nasa kwarto, Ate. Kunin mo na lang du'n sa duffle bag ko." Sabi ko kaya tumango siya. Naihiwalay ko naman na rin ang undies ko.
"Hindi ka na kakain?" Tanong ni Lena habang naglalagay ako ng tubig sa flask ko. Kumuha lang ako ng isang toasted bread.
"Okay na 'to," sabi ko saka isinara ang flask ko. Humalik ako sa noo ni Cly at sa pisngi ni Lena saka na umalis.
My phone beeped so I looked at it. It was Riegzuel.
From: Love<3
Nasa lobby na po ako.
Napangiti ako. Hindi na 'ko nag-reply dahil nag-open naman na ang elevator. Lumabas ako at naabutan ko siyang naka-upo sa waiting area na naka-tingin sa phone niya, hinihintay ang reply ko.
Mahina akong natawa saka mabilis na lumapit sa kaniya.
"May ka-text ka ata, Sir?"
Tumayo siya. "Yeah, hindi nga ako nirereplyan, eh. Sayang pa naman kagwapuhan ko."
"Ang hangin mo naman po," mahina siyang natawa saka humalik sa noo ko.
Siya na ang nagbuhat ng mga dala ko. Naglakad kami palabas at sumakay na sa sasakyan niya. 'Yung raptor pa rin ang gamit niya.
Dumaan muna kami sa Starbucks para kumain ng agahan dahil tinanong niya 'ko kung kumain na 'ko, ang sabi ko, hindi pa.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...