Kabanata 12

102 6 1
                                    

“Hay college, waterproof!”

 

Natawa kami nina Hannah nang muling umangal si Zeryne.

 
 


Kanina pa siya angal nang angal lalo na kapag lumalabas kami ng block namin dahil hanggang ngayon, umuulan pa rin.

 
 


Naging bagyo ‘yung low-pressure na sinasabi ni Riegzuel at ngayon, signal number one na.

 

And speaking of, maagang umalis si Riegzuel kanina sa apartment. Nagkape lang saglit saka na umalis dahil maaga raw ang klase niya.

 

He even insisted na sumabay na ‘ko sa kaniya, pero since napagdesisyonan ko na, umayaw na ako.

 
 


Nandito kami ngayon sa canteen, katatapos lang ng klase namin sa Sining sa Pakikipagtalastasan.

 
 


Actually, half of our time was orientation then nagbigay ng ilang backgrounds ang teacher about sa lesson.

 

Next subject namin will be Understanding the Self and same lang din na three hours.

 

“Tara order tayo,” sabi ni JL.

 
 


Nandito na naman kami sa iisang table at kaming anim ang magkakasama. Okay na rin ‘to. New friends.

 
 


“Anong gusto n’yo? Sagot ko,” sabi ko kaya agad silang nagkanyawan.

 

“Ayun oh!” Si JL.

 
 


“Naks naman, sana lagi!” Sabi ni Syl kaya inirapan ko siya.

 
 


“Hoy, next week can do, sa Sabado pa ‘ko magsu-sweldo.”

 

“Nagta-trabaho ka?” Tanong ni Livo kaya tinanguan ko siya.

 
 


“Bakit? Sa’n ko ba kinukuha pera ko sa akala mo?” Tanong ko. “Sa sugar daddy ko?” Dagdag ko pa.

 
 


“Sa parents mo?” Aniya kaya tipid lang akong ngumiti. “Pero pwede rin. Mukhang meron, eh.”

 
 


“Baliw, hindi ako sugar baby type.”

 
 


“Weh? Eh, bakit nakita ka namin noon sa isang Chinese restaurant may—”

 
 


Hindi na natapos ni Sylvester ang sasabihin niya nang napatingin siya kay Livo kaya tumingin ako sa kaniya, nagtataka bakit ganu’n agad ang reaksyon ng kaibigan niya.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon