"Tara na! 'Wag ka ngang maarte d'yan!"
Napabuga ako ng hangin saka nagpahatak na kay Sierra. Nandito siya ngayon sa unit ni Riegzuel. Mag-isa ako since umalis si Riegzuel kasama ang parents niya para i-meet ang isang investor nila.
Today is December 30. We celebrated our second month with simple family dinner.
Going back, Sierra's here right now because she's been asking me to go shopping with her. Tinatamad naman akong lumabas.
"Basta, kahit ano'ng gusto mo, ako magbabayad para may hustisya ang pag-sama mo sa'kin."
Napabuga na lang ako ng hangin saka walang ganang pumasok sa kwarto.
Sumunod lang siya sa'kin.
Nagsuot lang ako ng printed cropped jacket, a pair of high waist mom jeans and white sneakers. I used my hair clamp to clip my hair and put some powder, lip and cheek tint since nagmamadali 'tong si Sierra. Kinuha ko ang tote bag ko at inilagay ro'n ang phone, wallet at susi ng unit. Nag-suot din ako ng sunglasses. Naka-ligo na 'ko kaninang pagkagising ko kaya hindi ko na kailangang maligo.
Ni-lock ko na ang unit nang makalabas kami. Dumeretso kami sa lobby since naghihintay na raw si Jynx doon. O, 'di ba? Ginawa pa akong third wheel ng bruha.
Gusto kong sabunutan 'tong si Sierra. Ang sabi kaming dalawa lang tapos meron naman pala 'tong jowa niya. Kainis.
Napa-irap na lang ako bago sumakay sa passenger seat ng BMW ni Jynx.
We drove to a mall and as I expected, maglalandian sila sa harap ko.
I took a picture at the two who's in front of me. Nakahawak si Sierra sa kamay ni Jynx habang nag-uusap sila. Hindi ko na pinakialam kung ano man ang pinag-uusapan nila.
I post the picture on my IG story as I tagged them.
'Ang lalandi naman, sabi kami lang magsho-shopping tapos kasama pala ang jowa. Hays what a scam @sierramadre.'
Napatingin sila sa phone nila nang tumunog ito. Sabay naman silang tumingin sa'kin. I just rolled my eyes. Natawa sila pero hindi ko na lang pinansin. Nauna kaming pumunta sa Chanel store. Nag-hintay lang si Jynx sa isang bench dito sa loob habang hatak ako ni Sierra at pumipili ng mga bibilhin niya.
Napa-iling na lang ako. Gusto kong kumuha ng napakaraming product para ubusin ang pera ni Sierra pero 'wag na lang. Baka ako pa pagalitan ni Ninang.
Wala akong kinuha sa Chanel. Sinamahan ko na lang siya at tinulungan sa pagpili. Sumunod kaming pumunta sa Balenciaga. Isang pares ng white sneakers at dalawang hoodie ang kinuha ko mula sa brand since si Sierra ang nag-insist. Daragdagan pa raw niya dapat ng t-shirt pero tinanggihan ko na. Kumuha na lang siya para kay Laze.
She's looking at the bags. "Do you want this? It suits you," aniya saka ipinakita sa'kin ang isang black hand bag. I waved my hand as I shook my head.
"I already have one," sabi ko kaya gulat niya akong tinignan.
"How?"
"Regalo ni Tita Vienna sa'kin noong Christmas." Sabi ko. I even tried to give it back but then hindi na niya 'yun tinanggap. Ang sabi niya, I deserve it. The hell, 'yung regalo ko sa kanila mga customized necklace and bracelets lang. I don't even know if they're using it.
Ang naging regalo ko kay Riegzuel ay isang mamahaling ballpen na may nakaukit na initial niya ro'n. Walang binigay na regalo si Riegzuel sa'kin pero okay lang, I didn't expect some gifts naman. As long as kamasa ko siya, kumpleto na 'ko. Pero ang sabi niya, sa new year pa raw.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...