"Uy, pre, masyado kang seryoso mag-aral diyan."
Inakbayan ako ni Dion habang nagre-review ako para sa exams namin. Kaagad ko namang inalis ang pagkakaakbay niya sa akin at bumalik sa pagha-highlight sa notebook ko. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para mapasama sa mga top students. Kailangang gawin kong proud si Lai pagkatapus naming maghiwalay.
"Dion, walang time si Dela Rosa para makipag-usap sayo," rinig kong sabi ni Lucas.
"Last year rin ganyan 'yan. Inaasikaso si EX! Haha!"
Humigpit ang hawak ko sa highlighter na nasa kamay ko at isinandal ang likod ko sa sandalan ng arm chair ko bago ko siya pinukulan ng masamang tingin. Siniko naman siya ni Lucas para mapansin ang pagtingin ko sa kanila at nawala ang ngiti sa labi niya.
"Tol - -"
"Huwag na huwag niyong dinadamay si Ellaine dito kung gusto mo pa akong kaibigan, Garcia."
Nakita ko ang takot sa mga mata niya pagkatapus kong mabanggit ang pangalan ni Ellaine. Wala siyang nagawa kung hindi itikom ang mga kalokohan niya dahil alam niyang seryoso ako kay Lai. Ayokong dinadamay niya sa kalokohan ang ex ko dahil walang nakakatuwa sa paghihiwalay namin. Lahat 'yun seryoso at at pinag-usapan kaya hindi niya dapat ginagawan ng biro ang mga 'yun.
"Sorry, tol. Puro ka kasi aral. Wala ba tayong gala diyan? Aray ko, De Guzman!" Siniko na naman siya ni Lucas dahil sa pinagsasasabi niya.
"Tigilan mo na kasi si Dela Rosa. Palibhasa puro dos at tres ka diyan."
"At least pasado!"
"Tularan mo kaya 'yang si Lavin? Simula nang mag-first year ng college nakaka-dos nung una pero ngayon puro uno. May naibagsak ka na ba ngayong term, Lavin?" tanong ni Lucas.
"Wala." sagot ko.
"Question lang, Lavin," sabi ni Dion. Pabalik na sana ako sa pagha-highlight nang tawagin niya na naman ako.
"Oh?"
"Wala kang planong manligaw ng iba? Si Ellaine lang talaga? 'Di ba siya 'yung isa sa model 'dun sa tarp?"
"Wala, oo, at oo ulit," sagot ko at itinuloy ang pagha-highlight ko.
"Bakit?"
Sa ngayon, ang grado ko lang muna ang inaasikaso ko hanggang makatapus ako at wala akong planong manligaw ng iba kahit ang dami na ng nagkakagusto sa akin. Si Lai pa rin ang pipiliin ko. Siya pa rin ang liligawan ko kahit sa ibang universe, kahit sa ibang mundo. Isang Ellaine Yezdaeca Gonzales lang ang gugustuhin kong makasama sa buhay ko at wala ng iba pa.
"Because it's just her, Garcia," sagot kong bumalik na sa pagha-highlight at winalang paki ko na lang silang dalawa.
The third year ended and the start of the fourth year started. May mga naging ka-blockmates akong mga babae. Hindi pa rin nahihiwalay sa akin ng mga klase sina Dion at Lucas.
"Uy, pre, daming magaganda oh! Baka naman pumatol ka kahit kaunti. Mga type mo naman 'yang mga 'yan katulad lang ni ex," ani ni Dion sa akin sabay akbay nang makaupo ako.
Kaagad ko na namang tinanggal ang akbay niya. Bakla ba 'to o ano at laging umaakbay sa akin? Kung bakla siya, hindi ko siya papatulan.
"Walang katulad si Ellaine so stop comparing her to our blockmates," ani kong ibinaba ang gamit ko.
"Cold mo, pre," aniya at ngumuso.
"Hi! Anong names niyo?"
Narinig ko ang boses ng isang babae at parang nangati ang tenga ko dahil doon. Parang ang arte niyang magsalita at hindi ko gusto 'yun. Parang gusto kong lumabas ng room dahil sa boses niya.
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...