16

24 2 1
                                    

"Mga anak, pumunta na daw kayo sa 3rd floor sa Gymnatorium at doon natin gaganapin ang ating Year End Party. Dapat din kayong makilahok sa mga isasagawang aktibidad. Umakyat na kayo roon. Paakyat na din ang Grade 7 doon."

Ika-14 na ng Disyembre, Biyernes, at nasa loob na kami ng aming silid. Ako'y nakaupo lang at nakapalung baba habang nakikinig kay Ma'am Liza. Simple lang ang sinuot ko ngayong araw. Maong na pantalon lang at Canada T-shirt. 

"Ano? Tara na?" tanong ni Rain sa amin.

"Itatanong pa. Labas! Labas!"

Tumayo na ako at lumapit kala Rain upang sabay-sabay na kaming umakyat sa Gymnatorium. Tinulak-tulak ko pa siya sa likod habang palabas kami.

"Harsh ka? Makatulak parang walang katapusan ha?" tanong nito na ikinaikot ng mata ko sa hangin.

"Baliw!" sigaw ko habang tinutulak pa rin siya palabas at naglakad na kami paakyat sa third floor. 

Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin ako. Ang hilig ko talagang mag-overthink ng mga bagay. Buti at kaya pa ng utak ko lahat ng iniisip ko? Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga nangyari. Sa pagseselos ni Dylan kay Jason hanggang sa pagkukulang niya na ng oras sa akin. Nanghihinala na rin akong may namamagitan sa kanila ni Lexie pero ipapaubaya ko na lang 'yun sa hangin, dahil paniguradong walang katuturan ang iniisip ko. Malabong magustuhan ni Lexie si Dylan at ganun din naman si Dylan sa kanya. Kaibigan lang ang tingin ni Lexie dito at wala ng iba. 

Sabagay, at meron na rin namang natitipuhan si Lexie kaya ganun na lamang ang pagtanggi niyang pwede sila ni Dylan at isa pa ay Katoliko si Lexie kaya naman hindi maiaakilang tatanggi talaga siya kay Dylan. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang dahilan ko para magduda. Is it because he is lacking time for me? In the past weeks, I noticed he's always playing ML with Ate Lyra. Hindi ba pupwedeng ipagpaalam niya naman minsan na kakausapin niya ako?

Malapit na kami sa hagdan papuntang 2nd floor nang makarinig ako ng mga paang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Napalingon tuloy ako roon at nakita kong tumatakbo si Jason papunta kala JV para sumabay sa paglalakad papuntang gym. Mukhang kakarating niya lang rin. Late na naman siya.

"Huy, Ella." Kinalabit ako ni Rain at tumingin ako sa kanya. "Tara na. Tulala ka pa. Baka ma-late tayo sa program." Tumango ako sa kanya. Umakyat na lang kami at hindi na ako tumingin pa sa likuran ko. Suminghap ako ng hangin at pinakawalan 'yun nang makarating kami sa 2nd floor.

"Oh, anong problema mo?" tanong ni Rain.

Napansin niya yata ang pagkadismaya ko. Sana hindi naman.

"Wala." I shrugged my shoulders. "Masama bang huminga? Eh 'di namatay ako kung hindi ako mage-exhale at magi-inhale," pamimilosopo ko bilang palusot.

"Gaga!" bulyaw niya sa akin na ikinatawa ko.

Tumuloy kami sa pag-akyat at nang makarating kami doon ay hindi pa bukas ang gate papuntang gym. Pinaupo kami sa mga upuan na naroroon at nagsalita ang host sa stage upang ipaliwanag sa amin ang mga magaganap.

"Welcome to our Year End Party, Heroes and Heroines. Today, we will encounter activities, dance battles, and criteria for this event. After this, you may proceed to the TLE Lab for lunch and exchange gifts with your perspective sections. Please see to it that you will clean your rooms afterward. For now, we will group you into four groups, therefore you can talk to the other schoolmates in different sections that vary here. And now, let's start," ani ni Ma'am Angela sa harapan na ikinakaba ko. Kinakabahan ako. Posible kasing maging kagrupo ko si Dylan at magkatabi kami, ngunit may parte rin sa aking gusto ko siyang kasama sa grupo. May parte rin sa aking gusto kong si Jason ang kasama ko at hindi si Dylan. Pucha, napakagulo ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko at parehas ko silang gusto sa iisang grupo kung saan man ako mailagay. Maybe, I am just overthinking things. Nakakarindi!

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon