14

32 1 0
                                    

"Fire...oh eh oh..."

Fire by BTS ang nagpe-play sa earphones ko habang nasa silid ako. Kasama ko lang naman si Elle at wala namang ibang tao kaya pwede akong kumanta ng kahit anong gusto ko. Ayoko kasing naririnig ako ng iba na kumakanta ng ganito tapus sasabihin mali ang pagbigkas ko sa lyrics. Bakit ba? Perpekto ako? Hindi naman ako Koreana para makuha agad 'yung pagbigkas pero alam ko 'yung sa Fire at sa Me Gustas Tu by GFriend.

"When I wake up in my room, room, nan mwotdo eoptji...hmm hmm hm hmm hmm hm hm..."

Habang kumakanta ako ay napagdesisyunan kong buksan ang data ng cellphone ko at biglang bumuhos ang tunog ng Messenger sa tenga ko. Pucha, ang dami namang notifications!

I opened Messenger and I saw flood of messages from Dylan. Kumunot ang noo ko nang buksan ko ang chat namin. He's saying sorry to me. Hindi niya raw kayang magpakasal kanina. Bigla kong hinilot ang sentido ko dahil sa nababasa at habang naaalala kong nasa akin pala ang certificate namin. Tangina, sorry raw? Napahiya ako doon!

I gave him damns in my mind. Napahiya ako kaya bakit 'sorry' lang matatanggap ko? Kung tinuloy niya ang kasal, eh 'di sana hindi siya nagso-sorry sa akin ngayon. HIndi siya magi-guilty. Kung sana malakas ang loob niya, sana walang nagbayad. Sayang ang 50 pesos ko! Pambili na rin 'yun ng meryenda.

I just typed that everything's fine with me. Na wala namang magagawa ang mga taong namilit sa amin. Hindi naman nilang pwedeng pilitin si Dylan na magpakasal sa akin habang matinding kaba ang haharapin niya kapag kaharap niya na ako sa kunwariang altar. I also told him na kahit ako ay ayoko sanang ma-Wedding Booth pero hindi na rin ako nagpumiglas nang hatakin nila ako doon. I am really considering things. Lalo kapag tungkol sa pera.

They're happy about it and I should be happy also, but it was ruined by 'not meritorious'. Wala eh, kabado ang loko. Takot magpakasal kahit kunwari lang. Ano ba kasing purpose ng sorry if nagawa mo na, 'di ba? Napahiya na ako at hindi niya na mababago ang katotohanang 'yun. All that I have left is my confidence.

After I sent my message to Dylan, I lay down my head on my desk when I heard the front door creak. Napairap tuloy ako bago ko iniangat ang ulo ko para tignan kung sino ang pumasok sa silid namin. Napamaang na lang ako habang itinaas ko ang isa kong kilay. Ano ang ginagawa nito dito?

Standing right in front of the door is a tall, dark, slim guy with arms showing veins. His hands are inside his pants. He's wearing a polo shirt with two buttons opened in the chest part, showing his collarbone. His hair is almost in the middle part of the head but indent half an inch from it, and his light brown eyes glister because of the light-emitting from the classroom window. 

"Oh, Gio, bakit? Nag-away na naman ba kayo ni Abi?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo. Itinukod ko ang siko ko sa desk habang ang pisngi ay nasa palad.

Mas mataas siya ng isang grade level sa amin. Grade 9 student siya at jowa siya ni Abi. Mas matanda kami kaysa kay Gio pero advance siya kaya Grade 9 na siya. Iyun din ang rason bakit hindi namin siya kinu-kuya-kuya. 

"I think so," sagot niya sa katanungan ko. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Bakit hindi siya sure? "She's not replying to me. Maybe, you can help me find her?"

"Hindi mo ba siya nakita sa canteen?" singit na tanong ni Elle.

"No, I went there."

Lalong kumunot ang noo ko. Ang daming stress ngayong araw ah, dumagdag pa 'tong away nila. Nagsasabi rin kasi sa akin si Abi na may ugali raw si Gio na hindi niya nagugustuhan o natitipuhan pero naiintindihan ko 'yun, dahil si Dylan ay ganun din naman.

Lumapit siya malapit sa teacher's desk at tumayo rin ako para lumapit doon. Kumuha ako ng yeso at nag-lettering sa pisara ng pangalan niya.

"Baka kasama lang 'yun nina Mariel, Riel at Alluka. Baka naggala pero wala naman kasing sinabi sa akin kaya hindi ko rin alam," ani ko kay Gio.

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon