"Hoy, babae!"
Kinalabit ako ni Rain. Napabalikwas ako dahil doon at tumingin sa kanya kahit inaantok pa ako dahil sa init. Lunch na at bumaba na kami galing gym kanina. Dumiretso agad kami papuntang room dahil may aayusin pa ako sa mga gamit ko at gusto ko na munang umupo para magpahangin sa aircon at baka mamatay na ako sa init dito. Yumuko ako at pumikit upang mapigilan ang pagkahilo ko galing sa init kanina sa gym. Hindi kasi kami naka-aircon don at mahina pa ang hangin galing sa electric fan. Na-heatstroke pa nga yata ako.
"Pumunta daw sa room ng Grade 10 at mage-exchange gift na. Bawal matulog! Lunch na pagkatapos kaya bilisan mo na, gugutom na ako!" bulyaw nito sa akin.
"SPG na SPG ah! Patay na patay na kumain? Chill ka ha? Hindi pa ako nahihimatay." papilosopong sagot sa kanya.
"Gaga. Sabunutan kita diyan makita mo."
"Sige! Payt meh!" ani kong may pa-kamao pang hinarap sa kanya.
Nagtitigan kami ng masama na para bang magsisimula na kaming mag-sparring dito. Natawa kaming parehas sa walang kwentang argumento na naganap sa pagitan namin. Puro kalokohan lang naman kaming magkaibigan at walang totoo na magaganap sa pinaggagagawa namin.
Tumayo na rin naman ako at lumabas kasabay sila. Nagtungo na kami sa silid ng Grade 10. Nagsimula na ang pagpapalitan ng mga regalo. Katulad na nga lang ng dati ay mauuna ang Grade 7 sa pagpapalitan kasama ang kanilang butihing guro. Nagtulakan pa sila sa pagpwesto sa gitna. Pabilog silang pumwesto doon at nasa loob ng bilog ang guro nila. Nakakatuwa silang tignan sapagkat mga bagong estudyante ang bumubuo sa kanilang seksyon at walang magkakakilala, pero lumipas lang ang anim na buwan ay magkakasundo at magkakalapit na sila sa isa't isa.
Nang matapus na sila ay klase naman namin ang ang magpapalitan. Pumwesto kami sa kung saan-saan. Basta makaporma na lang kami ng bilog ay ayus na. Unang pinabigay ng regalo si Carlo at nagkasunod-sunod na. Nang bumalik sa kanya ang pwesto ng magbibigay ay nagtawag ng ibang taong magbibigay. Ibinigay ni Dylan sa akin ang isang bag na may lamang arnis stick at Stitch na stuff toy. Napangiti ako sa nakita ko. Ang cute.
Nang matapus ang palitan ay pumila kaming magkakaklase sa Principal's Office para makuha ang regalo namin galing sa principal namin. Nagpabunot kasi siya ng mga numero bago ang Year End at 'yun ang numero ng regalo na ibibigay niya sa amin. Matapus ang aking pagkakataon sa pagkuha ng aking regalo ay dumiretso ako sa silid namin at kinuha ang regalo naman na para sa aming guro, tsaka ako dumiretso sa faculty, at ibinigay 'yun sa kanya.
"Happy Year End, Ma'am!" bati ko sabay abot ng regalo ko. "Ma'am, hindi ko na po naisama si Ellenie papunta dito kasi po may kinukuha po kaya po ako na lang po," dagdag ko pa habang naakngiti.
"Happy Year End din, anak. Salamat sa regalo. Akala ko wala na akong matatanggap na regalo ngayong araw," aniya.
Napansin ko rin kasing walang nag-aabot kay Ma'am Liza ng regalo kaya naman naawa ako na nakayuko lang siya at gumagawa ng mga ipapasa nila. Si mommy talaga ang nakaisip na bumili ng regalo para kay Ma'am. Tsaka, wala ba silang exchange gift ng mga teachers?
Lumabas ako ng faculty at dumiretso sa TLE Lab para kumuha na ng kakainin dahil sobrang gutom na ako at wala pa akong kinakain simula nang nagsimula ang program. Dali-dali akong kumuha ng kubyertos at pinggan, at nagpalagay ng spaghetti at chicken sa plato.
"Oh, ang dami mo kumuha, Ellaine. Ang payat mo, ganyan ka kumuha?" ani ni Sir Josh, ang TLE Teacher namin. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o binabati niya ako dahil marami ako kumuha ng pagkain ngayong araw.
Binigyan ko na lang siya ng ngiti bilang sagot sa sinabi niya. Bumalik agad ako sa aming silid, umupo at sumubo nang sumubo. Gutom na gutom na talaga ako. Tumabi na rin sa akin sina Rain at Elle. Naubos ko na ang aking pagkain at hinihintay na lang sila matapus kumain para sabay-sabay na kaming magtatapon ng mga paper plates namin.
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...