Para naman akong pinagsakluban ng langit sa narinig ko. Sa lahat ng pwedeng i-dare sa akin at sa lahat ng pwedeng maging alternative dare, 'yun pa ang naisip niya? Dylan o Jason na naman? Ano 'to? Heneral Luna?
'Ang sarili o ang dare? Dylan o Jason? Mamili ka!'
I'm hesitant because never kasi naming nagawang mag-picture ni Dylan ng kami lang. Masyado akong nahihiya o naiilang kapag katabi ko siya o malapit siya sa akin, kaya imposible kong magawa ang alternatibong dare na ibinigay ni Mariel. Siguro, wala na talaga akong choice na gawin ang unang dare niya sa akin. 'Yung kay Jason. Ngayon ko lang naman pipiliin si Jason sa ganito, pwede naman siguro, 'di ba? Inuuna ko lang naman ang mararamdaman ko.
O kaya sinasadya 'to lahat ni Mariel, para mapagselos si Dylan? Hindi ako judgemental na tao pero parang ganun ang gusto niyang mangyari. Pero alam kong papalalain ko lang 'yun. Nandito na lang din naman ako. Bakit pa ako uurong? Pero kung nandito naman si Dylan, gagawin ko ang alternative dare, kaso wala sila. Bakit pa kasi sumama ka papuntang Vista, Dylan?
Jusko, mahabagin.
"Eh ano...wala sila dito. Paano ko magagawa 'yun?" utal na tanong ko.
Tsaka ko nahagilap ang ngisi niya. Lalo akong kinabahan sa binabalak niya.
Oh, no. I know where this is going.
"Eh, 'di wala kang choice, Ella. Gagawin mo ang dare ko sayo kay Jason ngayon." Lalong lumawak ang ngisi niya nang may diin ang pagkakasabi sa huling salita ng sinambitla niya. Lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa likuran niya kung nasaan si Jason. Kasama niya ang tropa niya at naglalaro. Suminghap ako ng hangin. Paniguradong iwasan na naman ito, Ellaine.
Napabuntong huninga ako at napasinghal ng mahina. Alam kong kaya kong gawin ang dare pero kapag naiisip kong magagalit si Dylan, matinding kaba ang lumalamon sa sistema ko. Tumayo ako at pumunta sa gawi nila. Tumingin silang lahat s naroroona akin nang mapansing lumapit ako sa gawi nila habang sinisimulan na nilang asarin si Jason. Hindi siya makatingin sa akin at nakayuko lang ang ulo niya. Tulala sa desk sa harapan niya. "Jason." Lalong umingay ang paligid, napuno nang pang-aasar nila sa amin na hindi naman dapat mangyari, dahil wala namang namamagitan sa amin. Pwera na lang kung may nagkakagusto sa amin dito.
So anong ibig sabihin ng reaksyon ng mga boys? Ibig sabihin ba nung may gusto sa akin ni Jason? Palakas pa ng palakas lalo ang asar nila sa kanya at ang iba ay tinutulak-tulak pa ang braso niya habang siya ay tulala pa rin.
"Hoy, Jason, tawag ka ni Ellaine. Pansinin mo," ani ni JV na kinakalabit na siya.
"Oo nga. Pansinin mo crush mo, gago." Hinahampas-hampas naman ngayon ni Sheedise ang likod niya.
"Huwag niyo nga akong guluhin! May ginagawa ako!" patay-malisyang tugon ni Jason na lalo kong ikinakaba. Kahit wala naman siyang ginagawa ay sinabi niya 'yun para lang makatakas sa presensya ko. Ganun ba talaga kalakas ang epekto ng presensya ko sa paligid niya? Ang tanong, bakit?
Dahil sa mga pang-aasar na ginagawa nila, nadagdagan pa ang kaba ko. Napalunok tuloy ako at pinagdikit ang dalawang kamay para pigilan ang kaba ko. Nagtuloy-tuloy ang pamimilit nila kay Jason na kausapin ako pero ayaw pa rin patinag ng loko. Pero napilit na rin naman nila kaya lumingon siya sa akin habang ang mga mata niya ay malamig. Naka-civilian lang kami so iba-iba sila ng mga suot doon at si Jason ay nakasuot ng yellow shirt na may logo ng team nila. Sa Yellow Vipers siya kasama.
Kaunting katahimikan ang nangyari pagkatapus niya akong lingunin bago ko tinibag ang katahimikan. "Pwedeng yakapin kita? Dare lang ni Mariel sa 'kin." My fingers fidgeted. Nakita ko rin ang paglaki ng mata niya sa narinig. Fuck, parehas pala kaming kinakabahan.
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...