"Ayus lang naman. Bakit?"
Sinabi ko 'yun habang tinitipa ko ang reply ko kay Harold sabay ang pagpatay kaagad ng data ko. Bakit kasi nagcha-chat basta-basta? Nakakailang!
Nagbasa na lang ako ng Wattpad para mawala sa isip ko ang chat na 'yun. Nakatapus ako ng ilang chapters nang makabalik na ang iba sa bus. Naunang umakyat ang tropa nina Lourine at kasunod naman nila sina Dylan. Ngingiti na sana ako kay Dylan kaso nakita ko ang matalim niyang tingin sa akin nang makiraan sa akin si Jason para makaupo na siya. Anong problema niya?
Bigla akong kinabahan. Dahil ba sa paghiga ko sa balikat ni Jason kanina? HIndi ako 'yung gumusto 'nun ah! Hindi ako 'yung humili sa balikat! Si Jason ang nagpahiga ng ulo ko sa balikat niya, hindi ako! O 'yung pakikipag-usap ko ba kay Jason kanina ang kinaiinis niya? 'Yung usap namin bago kami pumunta nina Rain sa Snow World. Siya rin naman ang hindi sumagot 'nun. Siya ang tinatanong ko 'nun. Nag-ala spokesperson lang naman si Jason para sa kanya.
Nang ianunsyo na nila na aandar na kami ay sinimulan ko nang tanggalin ang gloves na suot ko at tinabi 'yun sa bag ko. Sinubukan ko ring tanggalin ang bracelet pero hindi ko matanggal. Napahigpit yata ang pagkakakabit ko 'dun at naninigas pa rin ang mga kamay ko para matanggal 'yun. Naka-aircon rin kasi ang bus namin kaya nanigas ulit ang mga kamay ko.
Tumingin tuloy ako kay Jason na ngayon ay natanggal na ang bracelet at gloves niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin siya sa akin. Tinagal ng dalawang segundo ang titigan namin bago siya nagsalita.
"Bakit?" tanong niya.
Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at ang pagsimula ng pagpula ng mukha ko. Shit, paano ko sasabihing kailangan ko ng tulong?
Inangat ko ang pulsuhan ko at umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang mainit niyang titig sa mukha ko. Puta, tigilan niya na sana ang pagtitig. Nilakasan ko na nga lang ang loob kong manghingi ng tulong!
"Patulong tanggalin 'to. Naninigas ang kamay ko eh," ani ko sa kanya, kumakabog ang dibdib sa kaba. Bakit nga ba ako kinakabahan? Nagpapatulong lang naman ako.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ang simple niyang tanggalin, 'di mo matanggal?" tanong niya at itinabi ang gloves at bracelet sa bag niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kumabog lalo ang dibdib ko. Tangina!
"Woi, ayus ka lang?" tanong niya at lumunok ako. Hindi! Malamang sa malamang, hindi! Ang lapit mo, gago! At hinahawakan mo ang kamay ko! Hindi ako ayus!
Natulos lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kamay niyang nasa kamay ko. Hindi ko tinanggal 'yun at natulala na lang. Wala pa kasing naglakas-loob na hawakan ako ng basta-basta sa kamay ko nang hindi naiilang kaya nakakailang sa akin ang ikinilos niya. Alam kong gusto niya lang tumulong pero required bang tumibok rin ang puso ko kasama ang pagtulong niya?
Ugh! Nakakabaliw! Ano bang nangyayari sa akin! May ka-MU ako! Hindi pwede 'to! Kahit sabihing walang kabit na nagaganap ay ayoko pa rin! Ayokong kiligin! Ayoko! Hindi pa ako fully healed kaya bakit? Bakit titibok ulit ang puso ko sa isang tao? Ayoko pa! Puso, tumigil ka! Jusko!
"Oo, ayus lang ako," ani kong walang pinapakitang ekspresyon sa kanya. Ayokong ipakitang nagpa-panic na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinakatitigan niya pa ako na lalo kong ikinailang pero nilabanan ko lang ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko dahil tumagal rin ang titig niya. "Bakit ba?" tanong ko.
"Ah, wala."
Inilipat niya ang paningin niya sa bracelet ko at sinubukang punitin 'yun pero naiipit lang ang balat ko sa ginagawa niya. Tumingin siya pataas para makita ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...