12

24 1 0
                                    

Apat na linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang project shooting namin at ngayong araw naman ay magso-softball kami. Nasa byahe pa din kami papuntang school at sobrang traffic, kaya naman nahiga na muna ako sa malapit na sandalan sa akin at doon hiniga ang aking ulo, at pumikit. Kahit panandalian man lang ay makapagpahinga ako sa mga nakakapagod na mga pangyayari. Hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon ko dahil sa pagbabantay ni Dylan sa akin, dahil kay Jason. Selos pa rin ang nangingibabaw sa kanya sa lahat ng oras kahit mag-explain ako o wala naman akong ginagawang ikaseselos niya.

Gumayak na kami at kinuha na ang mga kailangan dalhin para sa gagawing activity sa MAPEH. Softball ang activity at hindi ko alam kung kakayanin ko dahil sipaan ang mangyayari, at nakabase doon ang aming mga grado. Nabago ang iba naming mga guro para sa isang gawain ng eskwelahan at iyon ay kailangang gawin upang sa isang partisipasyon.

Lumabas na kami at pumunta sa basketball court sa likod ng SHS Building. Nakita lang namin 'yun noong una kaming pumasok dito at in-enroll. Namangha ako sa lawak 'nun nang makarating kami. Hindi naman namin alam na ganito 'to kalaki. Sa malayo kasi ay aakalain mong maliit lang ang yardang nasasakupan nito.

Hati kami sa dalawang grupo at nasa grupo ko si Dylan. Hindi na ako nailang sa kilos ko sa kanya dahil kailangang seryosohin ko ang larong ito, dahil dito nakabase ang grado namin. Ipinaliwanag ni Ma'am Sheila ang gagawin namin at parang baseball na normal lamang ang lalaruin. May mga magbabanatay sa bawat base at pagkatapus mong sipain ang bola na naibato ng kabilang panig ay dapat makatakbo ka pa-ikot sa apat na base. Ang may maraming puntos ang magkakaroon ng mataas na grado. Matapos ang pagpapaliwanag ng aming guro sa gagawin ay pumwesto na ang lahat para sa magaganap na paligsahan. Stretching muna ang aming ginawa bago magsimula ang laro. 

Nasa pangatlong pwesto ako sa mga sisipa at kinakabahan ako sa pagtakbo. Baka matapilok ako sa mga batong ginawang marka para sa mga base. Ang kabilang grupo ay nakakalat sa paligid para magbantay sa amin at sa bola, kabilang na roon si Jason. Ang iba ay nasa gilid at ang iba naman ay nasa loob ng base.

Ang unang sisipa sa amin ay si Ash. Supia siya pagkatapos ng senyas ni Ma'am Sheila. Homerun ang dating ng sipa niya at umabot sa labas kaya nakaabot siya sa pangatlong base at doon huminto, upang hindi siya mataya ng kalaban. Sumunod naman ay si Dylan. Hindi gaano kalakasan ang pagkakasipa niya kaya naman umabot lang siya sa pangalawang base, at kasabay noon ang pagtakbo at pagtapak na din ni Ash sa aming pang-apat na base o pinaka-base ng grupo. Susunod na ako sa sisipa at sa kaba ko ay hindi ko nasipa ng maayos ang bola sa unang tira. Nasita pa tuloy ako ni Ma'am Sheila, iayos ko daw kaya naman bumuntong hininga ako at sumipa ng malakas, at umabot ako sa pangalawang base, at muntikan pa akong maabutan ni Lexie.

Nagpatuloy ang laro hanggang sa mangyari ang hindi namin inaasahan lahat. Biglang sumigaw si Ma'am Sheila sa gawi ng mga lalaking nagtatawanan sa hindi kalayuan. Binigyan na sila kanina ng babala pero hindi pa rin sila nagpatinag. Nakatingin na lang kami sa kanila habang pinagsasabihan sila.

"Binigyan ko na kayo ng babala, boys! Ang sabi ko ay maglalaro at hindi magchi-chikahan! Umalis na kayo sa harap ko kung ayaw niyong ako ang umalis sa harap ninyo!" sigaw ni Ma'am Sheila.

Napunta ang tingin ko kay Jason na sa mga panahong 'yun ay kinukuha ang bolang gagamitin namin para sa laro, ngunit, dahil sa hindi siya nakita ni Ma'am Sheila na nakahiwalay sa mga boys ay napaalis na din siya nito. Nadamay siya sa kagagawan ng kapwa niya lalaki nang wala siyang kaalam-alam kung anong kasalanan niya.

"Jason! Umalis ka na! Isa ka pa! Ang kapal naman ng mukha niyong makipagdaldalan sa oras ng isang activity sa subject ko! Wala na ba kayong natirang mga hiya sa mga katawan niyo ha?! May teacher sa harap niyo ganyan ang ikinikilos niyo! Alis!" ani pa niya na ikinainit na ng ulo ko.

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon