"Hoy, Dylan! Ayus lang namang tumabi si Jason sa jowa mo 'no?"
Jowa?
"Hoy, Arne, nandiyan 'yung nanay!" paninita ni Mai sa kanya.
"'Ay, sorry! Pero, Dylle, tabi muna si Jason kay Ellaine. Kawawa naman 'to."
Wala akong narinig na sagot galing kay Dylan kaya napalingon ako sa likod. Nakatingin lang siya sa akin habang si Jason ay nakatingin rin sa akin. Natulos na siya sa kinatatayuan niya. Nasa tapat siya kung naasan si Lynarne. Napansin siya ni mommy at pinalipat niya ako sa bakanteng upuan sa tabi ko na para sana kay Rain.
"Ate, lipat ka sa kabila. Paupuin mo diyan kaklase mo." Tumingin muna ako kay Dylan bago kay Jason, at bago kay mommy. "Si Rain katabi ko. Reserved ang upuan," ani ko pero sinamaan niya ko ng tingin kaya wala akong nagawa kung hindi magkibit-balikat na lang bago lumipat.
Pinagkrus ko ang braso ko at tumingin kay Jason. "Upo," ani ko sa kanya. Nakita kong lalo pa siya natulos sa kinatatayuan niya at nakita ko ang pagtingin niya sa gilid kung nasaan si Dylan at katabi niya si Lexie. "Wala namang sigurong masama 'no, Dylan? Uupo lang siya?" ani kong ikinatingin ng lahat sa kanya.
Hindi ko intensyong mamahiya pero kailangan kong tanungin 'yun para sa permiso. Tumango na lang siya bilang sagot.
"Oh, nakita mo na ang sagot, Jal. Upo."
"J-Jal?" rinig kong sabay sabay na tanong nina Lynarne, Mai at Lourine. Tumingin ako sa kanilang tatlo. "Oo. Jal. Nickname niya. Kaklase niyo siya last year tapus hindi niyo alam? Hindi kayo kapani-paniwala ha."
Umiling ako habang nakita kong nakaawang ang mga labi nila. Nagkibit-balikat ako bago tumayo sa kinauupuan ko at pinadaan muna si Jason. Nang mapatingin ako sa gawi ni Dylan ay nandidilim na ang paningin niya. Dahil ba sa tinawag ko kay Jason?
"Pati ba naman ikaw hindi mo alam kung anong nickname ng best friend mo?" Napatingin siya sa akin habang nakaawang ang labi. "You're unbelievable, Dylle."
Lalong umawang ang labi nina Lourine sa sinabi ko. "Dylle?!"
"Huh? 'Di ba tinawag ni Arne kay Dylan 'yun kanina?"
"E-Eh, kinausap mo kasi bigla si Dylan. Hindi ka naman ganyan, Ellaine," ani ni Lourine.
"Huh? Hindi ko ba pwedeng pansinin ka-MU ko?"
Pagkatapus kong sabihin 'yun ay nakita kong nakalingon na rin sa amin ang mga Grade 7 sa likuran. Mga chismoso at chismosa rin pala 'tong mga 'to?
"P-Pwede naman," sagot niya.
"Buti naman. Akala ko hindi eh."
Umupo na ako sa pwesto ko at binaba ko ang hawakan sa gilid. Nagpalung baba ako habang nakita kong naka-earphones si Jason sa tabi ko. Sinong kausap niya?
Sumilip ako sa cellphone niya at nandun sina Sheedise. Ka-video call niya pala ang mga mokong na nasa likod. Hindi talaga sila mapaghihiwalay 'no?
Nakita kong nagulat pa si Sheedise at tumuro siya sa screen. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya dahil hindi naman ako ganun kagaling magbasa ng bibig ng tao. Kumaway siya kaya kumaway rin ako sa screen.
Nang iangat ko ang tingin ko ay nakatingin na sa akin si Jason. Medyo nakaawang ang bibig niya, halatang nagulat sa ginawa ko. Inilayo niya ang cellphone niya sa akin at lalong itinago. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Anong problema nito?
"Hindi, pre. Wala akong balak na ganun. Sige na, bye na at iiglip ako." At narinig ko ang pagpatay niya ng call.
Tumingin siya sa akin at naguluhan ako kung bakit parang dismayado pa ang itsura niya. May mali ba akong nagawa?
![](https://img.wattpad.com/cover/312336152-288-k458193.jpg)
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...