"G-Girlfriend? No!"
Nag-panic ako at nasabi agad 'yun. Nakita kong naging malungkot ang mukha niya sa sagot ko sa tanong niya. Lalo akong kinabahan. Titigil na ba siyang manligaw sa akin dahil sa sagot ko? Manliligaw pa lang naman kasi siya! Bakit kasi nagtatanong agad ng ganun? Wala pa siyang isang araw na nanliligaw, tanong agad!
"Jason...Ano...Sorry, hindi pa kasi ako handa! Ano...Kasi naman! Wala pang isang araw!"
Nakaawang ang labi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Nagpa-panic na ako dito oh! Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil parang nasaktan ko siya sa isang salitang 'yun at ayokong saktan agad siya. Bakit ba ako nagpa-panic? Ang dami pa namang lalaking pwedeng manligaw sa akin pero bakit parang binabakuran ko na ang sarili ko?
Hinawakan niya ang ulo kong kung saan-saan na lumilingon dahil nagugulantang na ako kung nasaktan ko siya o nagbibiro lang siya. Hindi ko talaga alam. Tinitigan niya ako at medyo naiiyak na ako. Baka kasi tumigil siya sa panliligaw. Hindi ko naman first time na maliligawan pero parang ganun ang feeling ko sa kanya. Nakakakaba at nakakabaliw.
"Lai..." Lalong nangilid ang luha ko nang marinig ang boses niya. Lalo ring lumakas ang pagkabog ng puso ko habang nakatingin sa akin ang seryoso niyang mga mata. "Joke lang! Ito naman!" Binitawan niya ang ulo ko at medyo tumilapon pa ako patalikod dahil sa ginawa niya. Lalo akong natulala sa sinabi niya. Joke lang?
"Lintek! Akala ko totoong tanong!" sigaw ko at hinampas ang braso niya. "Daddy! Tinanong ako oh! Loko ka, Jal!" bulyaw ko pa.
"Alam ko namang 'di mo pa sasagutin si Jason, Ella. Nababaliw ka na naman. Oh siya, kayo muna diyan." Tumayo siya kaya parehas kaming lumingon sa kanya. "Tsaka, Jason, pakialagaan ang anak ko. Payag akong ligawan mo 'yan." At nagsimula na siyang umalis sa harapan namin. Sinundan ko siya ng tingin at huminto siya sa hakbangan sa likuran ng bahay bago humarap ulit sa amin. "Nga pala, Ella..." Nilingon niya ako at tinitignan ako. Malalim ang mga mata niyang may gustong sabihin pa. "...Nagbabalik 'yung isa mong manliligaw. Nagpaalam rin."
Ibang kaba ang naramdaman ko ngayon at hindi katulad ng kaba ko kanina nang tinatanong si Jason.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Dati mo na siyang manliligaw pero hininto niya kaya sabi ko sayo na lang ang desisyon. Ikaw na ang bahala sa isa. Alam kong kaya mo namang ayawan 'yun o kaya kung gusto mo pa rin siya, sige lang," aniya at itinuloy ang pag-alis.
Para akong hinugutan ng hininga sa sinabi niya. Nagbabalik si Harold? Bakit? Totoo ang sinabi niyang babawiin niya ako pagkatapus ng amin ni Dylan? Bakit hindi niya naman sinabing magpapaalam siya kay daddy?
"Si Harold 'yun?" tanong ni Jason.
"Oo."
"May karibal pa ako ha? Sabagay...Hindi naman maiiwasan 'yun. Sa ganda at talino mo, Lai, imposibleng walang nagkakagusto sayong iba."
Tumingin ako sa kanya at namangha. Paano niya nasasabi 'yun nang hindi siya nagagalit? Napakakalmado ng boses niya habang binibigkas ang mga hinahangaan sa akin ng mga tao at hindi niya ipinagkait 'yun sa harapan ko.
"Hindi ka ba magagalit na may ibang nagkakagusto sa akin, Jal?" tanong ko.
"Huh?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "At bakit ako magagalit? Jowa mo 'ko?" Tinuro niya pa ang sarili niya. "Kahit na jowa mo na 'ko, hindi ako magagalit. Minsan magseselos pero magagalit, hindi. Hindi imposibleng wala akong kasunod sa pila sayo."
I was stunned to speak again. Kay Dylan, lagi siyang nagseselos sa bawat lalaking nakakasama ko sa mga school groups at activities kaya inaasahan ko ring magagalit at magseselos rin ang susunod na magkakagusto sa akin sa mga lalaking naglakagusto rin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Chase Escape (Algea Series #1) ✔
RomanceAlgea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wrong time, because God planned it all from the start and you have to wait for it. Because love never f...