29

29 1 0
                                    

"G-Gusto mo 'ko?"

I was too stunned to speak because I didn't expect his confession. Napaka-direkta sa mukha ko at nakatingin pa siya ng diretso sa mga mata ko habang sinasabi 'yun. Hindi rin ako ready para 'dun pero nag-ipon na naman ako ng lakas kanina, peor hindi ko naman alam na ganito katindi ang mararamdaman ko. Matinding kaba ang dinulot sa 'kin 'nun. Madaming nabuong what if's sa utak ko.

"Yes. Is there something wrong with my confession, Eca?"

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa hita ko.

"Sa totoo lang...Hindi ko alam kung gusto kita, Jason pero ang alam ko lang...hindi pa ako handa pumasok ulit sa MU. Natatakot pa 'ko."

"Ayus lang matakot. Galing ka pa naman sa sakit kay Dylan. I won't take your feelings for granted. Take your time to heal. Manliligaw pa lang naman ako, hindi pa tayo."

"Hindi 'pa'?" tanong ko.

"Masama bang mangarap para sa relasyon natin, Lai?" tanong niya at tinitigan niya 'ko.

"Hindi naman pero do your best. Hindi ako madaling pasagutin, Jason."

Nginitian ko siya at nginitian niya ako pabalik.

"I understand, Lai. Take your time to heal. Hindi kita madadaliin. Kahit na umabot pa tayo ng ilang taong nanliligaw ako sayo...Hanggang sa maka-heal ka, I'll wait."

"Salamat," ani ko.

I am thankful that he can understand my side. He doesn't question me about my answer already or what am I planning if we're together already. He's just asking me the possibilities if there's a chance that I will answer him or not. That's all that matters to him and that raised my standards more. 

Narinig ko ang pagbukas ng screen door sa harapan ng bahay at napalingon kami 'dun ni Jason. Nakatayo 'dun si daddy habang naka-black T-shirt at cargo shorts. Sinuot niya rin ang adidas shoes niya. Tumayo ako at umalis sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Humalik ako sa pisngi niya.

"'Dy, si Jason," pagpapakilala ko. 

"Sige, sige, kausapin ko. Pumasok ka muna sa bahay. Tawagin kita kung tapus na kaming mag-usap para maihatid mo mamaya." Seryoso ang tono niya habang sinasabi 'yun at hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa na kakausapin niya si Jason dahil pwedeng payagan siya o, mas masaklap, hindi.

Tinanguan ko siya at tinignan ko si Jason na nakatayo na rin sa payong. Umalis siya 'dun at lumapit sa amin, Inabot niya ang kamay ni daddy at nagmano. 

"Good afternoon, tito. Jason Lavin Dela Rosa po," pagpapakilala niya ulit. Ang galang naman niya. Lalo niyang ikina-gwapo 'yun.

"Elleazor Gonzales, gentleman, daddy ni Ellaine." Nag-shake hands silang dalawa habang nakatayo pa rin ako sa tabi ni daddy.

"'Dy, pasok na 'ko sa bahay. Pasabi na lang kung tapus na," ani ko kay daddy at tinanguan niya lang ako.

Naglakad na ako paalis papuntang likod nang mangiti ako sa unang sinabi ni daddy sa kanya. 

"Hindi pa tayo nag-uusap parang gusto na kita sa anak ko. Katoliko ka ba?"

"Yes, sir."

"Buti naman. Mahirap na kung ibang relihiyon ka. Hindi ang anak ko ang maga-adjust ng relihiyon niya para sayo."

"Sir, kung iba pa ang relihiyon ko, iibahin ko ang relihiyon ko para sa panganay niyo."

Lalo akong nangiti sa usapan nila. Hindi nila alam na hindi pa ako nakakapasok ng bahay. Natutuwa ako sa usapan nila. Magkakasundo yata sila. Pero biglang nag-flashback sa akin ang sinabi ni Harold nang mabanggit ni Jason ang tungkol sa relihiyon. It's so good to be true. It pains me again.

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon