37

29 0 0
                                    

"May lakad ka mamaya? Tara SM!"

Nahulog ang highlighter ko nang kalabitin ako ni Xyril. Napamura tuloy ako sa isip ko at umirap bago ako yumuko para kuhanin ang highlighter na nalaglag.

"May lakad ako mamaya," ani ko.

"Kasama ulit si Jason?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay. "Girl, napapadalas ka ng naggagala kasama siya. Sa'n ba kayo pumupunta ha?"

"Mag-jowa ka para alam mo," pang-aasar ko.

"Excuse me! Crush kaya ako ni Charles!"

"Hoy, hoy, hoy! Gaga! Anong crush kita?! Baklang 'to, feelingerang frog ka?" reklamo ni Charles, ang beki naming kaklase.

Napairap tuloy ako habang natatawa nang magbardagulan na naman sila sa likod ko. Ang sarap talaga nilang pag-umpugin at pagbuhulin. Kung hindi lang talaga beki 'tong si Charles, na-ship ko na siya kay Xyril. Close na close ang dalawa.

Nag-highlight ulit ako ng mga napag-aralan naming procedures na pwedeng lumabas sa RetDem para sasauluhin ko na lang pag-uwi ko mamaya. Wala kaming klase buong maghapon mamaya kaya pwede ng umuwi ang mga wala ng gagawin at ganun rin ang schedule ni Jason kaya pwede kaming magkita. Susunduin niya na lang ako sa tapat ng school ko.

We're going to Pilar to visit Bia, 'yung anak ng stepsister niya. Three years old na siya at turning four this year. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtanto kong pinapasok ko na ang mundo ng adulthood. Ang hirap pero masaya rin dahil nagiging independent na ako. Napapayagan na rin ako at pinagkakatiwalaan na rin ako nina mommy sa mga desisyon ko. Madalas, ako pa ang tama sa kanila ngayon.

"Huy, istorbohin natin si Eca," bulong ni Xyril. Paniguradong si Charles na naman ang kausap niya.

Napairap na lang ako nang kalabitin na naman niya ako. Alam kong siya na naman 'yun. Nasaulo ko na ang daliri niya dahil lagi niyang ginagawa 'to sa tuwing nagha-highlight ako ng mga kailangan naming sauluhin.

"Yes, Nurse Corpuz?" pormal kong tanong.

"Ay, bongga! Formal-an pala?" pag-iinarte ni Charles habang inilagay niya ang kamay sa dibdib.

"Oh, pero bakit ba, Xy? Nagha-highlight ako," tanong ko ulit.

"Itigil mo muna 'yan! Aral ka nang aral nung nag-start ang sem ng 2nd year, Eca. Wala ka ng ibang ginawa."

"Kailangan eh," sagot ko. 

This is the only way I can cope with the pain of the thought that I and Jason will break up this year. I will just study and study to ease my pain until it never hurts me anymore. Profession muna. Pangarap muna.

"Ngayon ba 'yun, 'akla?" tanong ni Charles.

"'Yung ano?" tanong ko.

Isinarado ko ang librong hina-highlight ko at itinabi 'yun sa bag ko para makinig sa kanila. Baka tama rin si Xyril na I should take a break from studying at ganun muna ang gagawin ko sa buong maghapon. I'll refraiin myself from studying for the meantime.

"'Yung break up."

Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Yes, the day that we fear came. The goodbyes needed to be said and I never thought that I will do it. April 3, our 6th anniversary and it fears me more when I know to myself that it's today.

"Oo," sagot ko.

"Ayus ka lang, Eca? Nandito ako ha?" Xyril comforted.

Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin matanggap na nandito na ang araw na 'to...Na kailangan na naming bumitaw para sa kapakanan ko. It was an Odyssey to be remembered.

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon