23

26 1 0
                                    

"Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakukuha si Ellaine 'no? Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagkakainitan na sila. They're burning us without even fueling a fire.

"Dylle, kumalma ka. Ikaw ang magdesisyon kung ano ang ibibigay kay Ellaine." At nakita kong tumingin sa akin si Jason nang mabanggit niya ang pangalan ko. Napatalon ako ng kaunti sa kinauupuan ko bago ko iniiwas ang tingin ko sa kanila. I can still feel him staring. "Wala lang Valentine's sa inyo kaya ako ang gagawa. Mali pala ang salitang ginamit ko, ako ang magbibigay sa kanya."

Narinig ko ang pag-usog ng upuan na nagpapahiwatig na umupo na si Dylan at kumalma kaya muli akong sumilip sa gawi nila. Now, he's the one looking at me. Napaiwas ako ng tingin at yumuko na lang. Ano ba ang trip nila? Mag-away tungkol sa akin? May competition bang na gaganapin?

"Huwag na, 'dre. Labag pa rin 'yan sa patakaran namin," ani ni Dylan.

Iginilid ko ng kaunti ang ulo ko para sumilip sa kanila. Nakatakip ang buhok ko sa mukha ko kaya hindi nila mahahalatang nakasilip ako. Nakita kong tumango si Jason sa sinabi ni Dylan bago humarap sa direksyon ko kaya ibinalik ko ang ulo ko sa pagkayuko.

"Dylan, buo notes mo sa Science?" tanong ni Jason.

"Hindi, keywords lang nasa akin, baka 'di mo maintindihan. Kay Ellaine ka manghiram."

Ako na naman? Oh, 'tas pag nagselos siya, ako ulit ang masisisi, ganun? Ano bang nasa utak ni Dylan at ako ang tinuro? Pwede namang si Lynarne, si Mai...Ang daming iba diyang pwedeng pagpasahan oh!

"Sige, 'dre. Salamat."

Nakarinig ko ng mga yabag ng paa papunta sa direksyon ko at nararamdaman ko ang bigat sa tiyan ko. Kinakabahan ako. Nasa utak ko pa rin ang nangyari sa plaza kaya hindi ko maiwasang mailang sa kanila at sa mga boses nilang hindi ko maiiwasang marinig.

"Woi, Laing." Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ko ang itinawag niya sa akin. So nadagdagan na ng 'ng' ang 'Lai'? Ginawa na talaga akong pagkain nito! "Pahiram ako ng Science notebook mo."

Nakakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin habang umupo naman siya sa katabing upuan sa kaliwa ko. Inilagay niya ang braso niya sa sandalan ng upuan at tinignan ako ng mariin. Kumuyom ang kamao ko sa kaba. Hindi ko alam kung pormal ko ba siyang kakausapin habang pinapakinggan kami ni Dylan o hindi. Nasa akin pa rin ang desisyon pero ang kaba ay awtomatiko ng hindi matatanggal sa sistema ko. Nakakainis.

"Bakit? Wala kang notebook?" tanong ko.

"Meron," sagot niya.

"Oh, eh 'di doon ka mag-review. Magre-review rin ako, huwag ka nang manghiram."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at kunwaring nagbasa sa Science notebook ko kahit hindi ko na naman kailangang mag-review. 'Yung solving na lang naman ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. Bilang palusot na lang ang pagbabasa ko para hindi niya mahalatang naiilang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pag-usog ng upuan. Akala ko ay umalis na siya pero inilapit niya lang pala ang upuan niya sa lamesa ko at kinuha niya ang notebook ko, at iniharap 'yun sa kanya. Napakurap ako ng ilang beses sa ginawa niya. Nahihibang na ba 'to? Ang sabi ko ay mag-review siya gamit ang notebook niya, hindi gamit ang notebook ko!

"Maluwag ba ang turnilyo ng ulo mo o bobo ka lang?" tanong ko habang nakatingin sa ulo niyang nakayuko na habang binabasa ang binabasa ko kanina.

"Walang turnilyo ang ulo at mas masama kung walang ulo. Tsaka, pang-3rd grading 'tong binabasa mo, hindi ang ite-test. Sino ang mas maluwag ang turnilyo sa 'tin? Sabaw na ulo mo ah." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pang-third ang binasa ko?

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon