36

35 0 0
                                    

R18

"Woi!"

"'Di ba 'yun 'yung iniisip ni Ella?" tanong ni Sheedise.

"H-Huh? Hindi ah," sagot ko.

"Utal, 'di kapani-paniwala," aniya.

"Hindi nga!" reklamo ko.

"Defensive, 'di pa rin kapani-paniwala."

"Tse!"

"Gusto yata nito maranasan ang se - -"

"Sheed, siguro hindi naman 'yun 'yun," paninita ni Jason sa kanya.

"Kunwari pa 'tong si tropa na hindi rin gustong makipag - -"

"Enough is enough. Huwag ka na ring sumabat, Daniel," paninita niya ulit at nagpabawal naman ang tropa namin.

Nararamdaman ko pa rin ang pamumula ng mukha ko sa naiisip ko. They're right that I have thought about having sex with Jason pero dahil lang naman 'yun kay Xyril!

"Lai," tawag sa akin ni Jason.

"Hai?"

"Mauna na tayo sa kwarto niyo ni Elle."

Tumibok ang puso ko sa sinabi niya. Mauna na kami? Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya? Kaming dalawa lang pupunta doon? Bakit kami lang?

"Elle, may ipapadala ba kayo ni Weather?" tanong niya. Nilingon niya sina Elle at medyo nagulat pa si Elle sa pagtawag niya. Is she thinking the same thing as me? O mali lang ako sa nararamdaman ko?

"Ah, oo. Pakidala na lang 'yung backpack ko. Weather, pakibigay sa kanila 'yung gamit ko. Tsaka pwedeng pati 'yung tripod kayo na rin magdala sa kwarto niyo ni Weather, Jason? Mag-ikot pa siguro kami."

"Ayus ka lang, Elle?" tanong ko. She looks pale to me when she replied to Jason.

Mapait siyang ngumiti sa akin bago pinasadahan ulit ng tingin si Weather. Kumunot ang noo ko sa inaksyon niya at lalo akong naguluhan. Masaya naman siya nung papunta kami dito. Anong problema ngayon?

"Oo naman! Excited nga ako eh!" Pineke niya ang ngiti niya habang sinasabi niya sa akin 'yun.

Bigla akong nag-alala. May problema ba sila ni Weather? Parang hindi naman mukhang gagawa ng problema si Weather o mukha lang talaga? Or is it a different problem 'tas ayaw niya lang magsabi sa akin? Hindi ko alam. Better to ask later. It's never too late.

Kinuha ni Jason ang pinapadala ni Elle at ang tripod. Pumunta kami sa second floor at hinanap ang room na sinasabi ni Weather. Nagtanong na rin kami sa counter doon para makasigurado.

"Room 11 raw ang room natin. 10 and 12 raw 'yung sa iba," ani ko habang naglalakad na kami sa hallway.

"Lai, pwedeng pahawak ng tripod? Ang bigat pala ng bag niyo ni Elle," aniya at kinuha ko ang tripod sa kanya.

Nang matagpuan namin kung saan ang kwarto ay ni-swipe ko ang card sa pintuan dahil 'yun ang pinakasusi namin para sa kwarto. There's two door in each side of the suite. Sa gitna 'nun ay ang dining at kusina. Pumasok ako sa kwarto namin ni Elle at dalawang kama ang naroroon katulad ng sabi ni Weather kanina. May isang malaking closet at mayroon na ring banyo. Sinilip ko rin ang room nila Jason at ganun rin ang kanila. Ang kaibahan lang ay may TV 'yung kanila kaya kung gusto namin makipag-movie night, sa kwarto nila kami pupunta.

Binaba ko ang tripod sa may gilid sa tabi ng TV bago lumabas ulit para pumunta sa kwarto namin ni Elle. Nakita ko roon na nakaupo sa carpeted floor si Jason. Carpeted kasi ang lapag ng dalawang kwarto kaya siguro mahal rin ang renta ni Weather. 

The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon