32

23 0 0
                                    

"Mahal pa kita."

I was reading the chat of Harold when I woke up to check if I have reads again. Binago ko na rin ang pangalan ng story ko dahil parang ang pangit pakinggan ng 'The Mystery Love' tapus puro kaso ng detectives ang nasa kwento.


To: Frith Castillo
Ok? So ano?


Umirap ako nang ilipat ko ang Messenger papuntang Wattpad. Wala akong pakialam kung mahal pa niya ako o hindi. Inisip ba niyang may chance pa siya sa akin?

He's trying so hard until now even though I told him last week to stop bothering my love life. Kung hindi pa siya titigil, masasabihan ko siya ng mga masasakit na salita. I will ruin my own image in front of him para lang tigilan niya na ako.


'Enigma's Treasure'
Reads - 910 reads Votes - 42 Parts - 23


"Ang dami na," sabi ko nang makita ang reads ng story ko. I took a screenshot of it and sent it to Ellenie with a message of 'road to 1k na this!'. Tulog pa naman siya at naka-off ang data niya sa cellphone kaya hindi niya alam na nag-chat ako sa kanya.

Bumangon ako at inayus ang higaan ko bago ako pumunta sa banyo para maghilamos. Ang sakit sa mata ng muta. Nagpunas ako ng mukha at bumalik sa kama para tignan kung sino ang magcha-chat sa akin. Napairap ako nang makita kung sino ang nag-pop sa notification ko.


From: Frith Castillo
I'll court you again, Ellaine


Napahilamos ako sa mukha ko sa inis. He really has the nerve to push himself to me again, huh? Kaunti na lang ang natitirang pasensya sa akin at hindi na tunay ang nararamdaman ko para sa kanya kaya ayoko na.

Mga kilig na lang 'to sa mga nagawa niya dati at sa mga ginagawa niya ngayon pero wala na ang dating pagkagusto kong makasama siya hanggang dulo. He left me. I gave him my chances. I let myself chase him when he's liking other girls. Naging tanga ako. Ayokong maging tanga na naman ako.


To: Frith Castillo
Tumigil kana.


From: Frith Castillo
Pumayag si tito


To: Frith Castillo
wala siyang sinabing oo sayo
sa pagkakaalam ko.

hinayaan niya akong magdesisyon
and it's a no. hindi na ako pumapayag


From: Frith Castillo
I'll still court you, Ellaine


To: Frith Castillo
ano ka? obsessed?

i have someone i liked now!
tigilan mo na ko pls lang!


From: Frith Castillo
wala na ba talaga, ellaine?


Muli na naman akong napahilamos at napailing. It's too much for me. I felt bursting in anger. Hindi niya ba talaga ako titigilan?


To: Frith Castillo
pls just fucking stop! hindi na
kita gusto, ano pa bang gusto mo?!


The Chase Escape (Algea Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon