Chapter 3

1.3K 38 0
                                    


Chapter 3

Nagising akong si Donovan ang bumungad sa aking paningin. Nakaupo ito sa isang golden teak wood chair sa tabi ng kama ko habang pinagmamasdan ako.


Napapikit ako at tinampal ang noo ko. "Fudge, di pa rin ako nakakabalik sa realidad?" 


"What are you blabbering about?"


Tiningnan ko ng masama si Donovan pero ginantihan niya. "You still sick? I told you I will come back here and you should be feeling well."


"Tigilan mo ako sa kaka-english mong bata ka."


Nagsalubong ang kilay niya. Tumayo siya at padabog na umalis ng kwarto. 


Ang dalawang empire ay may kanya-kanyang lenggwahe. Tagalog ang salita ng Egtarian habang English naman ang gamit ng mga Tareans. Si Callista ay may kakayahang magsalita ng dalawang lenggwahe and the most interesting part, pagtanda niya ay magaling siyang makipaglaban. Abilidad na wala ako.


Matapos n'on ay matagal na kaming hindi nagkita ni Donovan. Hindi ko naman sinabing dapat ay palagi ko syang makita. 


Ilang paggising ang dumaan ngunit hindi pa rin ako nakakaalis sa kwentong ito.


I set the bed sheet aside then stand up. Nagtungo ako malapit sa malaking salamin at tinitigan ang sarili ko.


Staring at the 13-year old version of me, I ask myself. "Bakit hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan?"


Sinampal ko ang pisngi ko, nagbabaka-sakali na magigising ako sa panaginip na ito. Ngunit wala namang nangyare bukod sa may narinig akong sumigaw.


"Kamahalan, ano ang inyong ginagawa?" natataranta siyang lumapit sa akin at sinuri ang pisngi ko. "Ano pong nangyayari sainyo? Bakit nyo po sinasaktan ang sarili ninyo?" Hinimas niya ng marahan ang namumula kong pisngi.


"Gusto ko ng magising sa katotohanan, Ami."


Nagtataka man ay sumilay ang pag-aalala sa mga mata niya. Niyakap niya ako. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo Callista, tandaan mong narito lang ako palagi sa tabi mo."


Tumango-tango ako. "Alam ko," sinsiridad na sabi ko.


Alam ko iyon, Halle.


"Nakabalik na po ang hari at reyna. Halina't mag-ayos ka na upang makapagbigay pugay," aniya matapos akong yakapin at hinawakan ako sa magkabilang braso.


Si Ami ay kasing-edad ko lamang pero kung asikasuhin niya ako ay para siyang ate na ilang taon ang tanda sa akin. 


Tanda ko sa kwento, nabanggit na hiniling ni Callista sa mga magulang na siya ang gawing personal maid among all the royal maids dahil dito siya pinaka-komportable at ito ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya. Hindi niya pinahihintulutan na pumasok ang ibang maids kung wala si Ami.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon