Chapter 11

408 16 0
                                    

Chapter 11

Nagulat ako ng bigla akong binuhat ni Donovan, in a bridal style. 


"Put me down!" reklamo ko pero parang wala siyang narinig. 


Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at ni hindi manlang ako tinignan. At tila wala lang sakanya ang bigat ko, hindi ko siya nakitaan ng struggle kahit katiting habang buhat ako at mabilis na naglalakad. 


Sandali akong napatingin sa mga tao sa likuran ni Donovan. Tinatalian na sila ngayon ng mga guards at ang sama ng mga tingin nila sakin lalo na yung sumampal sa akin. Natakot ako sa mga tinginan nila dahil para nila akong pinapatay kaya napakapit ako sa damit ni Donovan at itinago ko ang mukha ko doon. 


"Sandali, kailangan kong hanapin si Zane! Baka kung anong nangyari sa kanya!" nag-aalalang sabi ko nung paupuin niya ako sa kabayo. 


Halos nakalimutan kong foreigner ito at taga ibang empire kung kaya't iba ang lenggwahe niya. 


"Ako yung nandito. Bakit siya ang hanap?" 


Natulala naman ako ng mag-tagalog siya. Ito ata ang unang beses na narinig ko siyang nagsalita ng tagalog. 


Although hindi masyadong tama ang grammar, medyo kuha niya ang accent. 


"Marunong ka na mag-tagalog?" 


"You hate hearing me talking in English all the time. Kaya inaral ko ang language mo." Sumakay na rin siya sa kabayo matapos niyang sabihin iyon. 


Nakalingon pa rin ako sa kanya at nakatitig sa mukha niya. Hindi ko mapagkakailang ang laki ng pinagbago niya. 


Lalo siyang gumwapo at naging manly ang features niya. Ngunit nagmukha siyang masungit at nakakatakot na siya ngayon. Yung nakilala kong Donovan na may edad 13 years old ay hindi ko naisip na magagawa ang nangyari kanina. 


"Thank you," sabi ko sakanya dahilan para mapatingin siya sa akin. "For saving me and my people."


Lumipat ang tingin ko sa braso niya nang abutin niya ang tali.  Para na siyang nakayakap sa akin sa pwesto namin. Nang muli ko siyang lingunin, nahuli ko siyang nakatitig sa akin.


Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Bigla ay naalala ko na naman si Zane. "I need to find Zane, my bodyguard! Pananagutan ko siya!" 


Nag-aalala ako sakanya at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Kung may mangyari mang hindi maganda sakanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako ang may dahilan kung bakit siya nandito at nalagay sa peligro. 


"Don't worry too much, princess. It is his duty to protect you even if it put him in danger. If he dies, it's his honor and you can find another great armor." 


"Siraulo ka ba?" inis na untag ko sakanya. Kung may choice lang ako, aalis talaga ako rito sa kabayo niya para hanapin si Zane! 

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon