Chapter 17

293 7 0
                                    




"Keep in mind our covenant and come back, Princess Callista," sabi ni Donovan matapos akong buhatin pasakay ng kabayo. He did not let Zane do that himself.


Hindi ko siya sinagot. Bahala na. Nararamdaman kong magtatagumpay ako sa plano kong makabalik sa tunay kong mundo.


I'm not Callista. And I am not the girl in the prophecy. Lihim kong sinabi iyon habang pinagmamasdan si Donovan.


Nag-bow si Zane kay Donovan bilang pagbibigay pugay bago sumakay ng kabayo. I'm happy that Zane is safe. Nagtamo siya ng ilang sugat dahil pinagtulungan siya ng mga masasamang tao habang nakatali ang kamay at paa niya. Hindi siya nanlaban dahil tinakot siya ng mga ito na papatayin ako.


Ang nagkwento sa akin non ay iyong matandang royal maid na nagsama sa akin kung nasaan nila pinatuloy pansamantala si Zane habang nagpapagaling.


Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si Donovan bago tuluyang makalabas ng barbican. Nakatingin rin siya sa akin habang sinusundan ako ng tingin habang papalayo.



Ito na sana ang huling pagkikita natin, Donovan.





Sinabihan ko si Zane na sa labas nalang maghintay dahil delikado sa loob. Sa tulong ng dokumentong pinirmahan ni Donovan, malaya at mabilis kaming nakapaglabay. Nag-iiba din ang ugaling pinapakita sa amin ng mga tao tuwing nakikita ang pirm ni Donovan. May iba pa nga na binigyan kami ng pagkain at tinulungan kaming ituro sa daan kung saan mararating namin ang lugar na ito ng mas mabilis.


"Kaya nga kita sasamahan prinsesa, dahil delikado." Ngunit tumanggi siya.


"Kaya ko na."


"Hindi kita maaaring hayaan mag-isa." Lumakad pa talaga siya papunta sa harapan ko para humarang sa papasukan ko.


"Huwag kang susunod sa loob. This is an order. Sundin mo ako," mariing sabi ko.


"Hindi ko alam ang tunay na dahilan mo, perod nararamdaman ko kung gaano ito kaimportante sa'yo. Kailangan kitang protektahan hindi dahil sa trabaho ko ito, kundi gusto ko."


Natulala ako at walang ibang nagawa kundi hayaan nalang siya. Wala rin namang saysay kung makikipagtalo pa ako rito.


Pareho kaming walang ideya sa itsura ng loob ng Puquio. Kinakabahan ako habang binabaybay namin ang kailaliman ng puquio. Napapaisip pa ako minsan na baka may ahas o kung anong nakakatakot ang masalubong namin. Mabuti nalang wala... so far.


Hanggang sa nakita na namin ang sinasabing pinto. Unlike the other ordinary doors, ang daming kandado nito.


Nakahanap si Zane ng isang malaking bato at ito ang ginamit niya upang ipangpukpok sa chain locks. Hinampas niya ng buong lakas ang bato rito ng ilang beses at halos mabingi ako sa ingay na nagdudulot tuwing tumatama ito sa metal na lock.


Pagod at pawis na pawis si Zane nang sa wakas ay magtagumpay siya.


Nagkatinginan kaming sandali. Bubuksan na niya ang pinto nang pigilan ko siya dahil baka kung anong panganib ang nakaabang at ayokong siya ang mag-suffer. Ayaw man niya ay ginamit ko ang card na prinsesa ako at inutusan siyang umatras para ako ang magbukas.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang hawakan ko ang knob ng pinto. Ano ba ang tatambad sa akin? Impyerno rin ba tulad ng nabasa ko sa libro? Ngunit iba-iba ang sinasabi ng mga tao.


Ang iba naman kalangitan daw ang naabutan. Ang iba naman sinasabing may hidden city of treasure sa loob. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang binuksan ang pinto. Dahan dahan iyon at sinilip ko muna kung ano ang nasa loob bago tuluyan itong binuksan.


EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon