Chapter 42

168 3 0
                                    


Chapter 42



Ang lahat ng mga prinsipe at prinsesa ay sumali na sa sayaw. Nagkaroon ng cotillion. But I decided not to join. Ako lamang ang naiwan na nakatayo sa gilid.


Wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin ang dalawa na magsayaw.


"Are you gonna stand there forever?"


Napalingon ako at nakita si Lucas na nakangiti. Naglahad siya ng kamay. Tinitigan ko siya ng masama. 


He laughs and it irritates my ears. "Can you set aside everything and let's just be civil with each other tonight?"


Sa kabila ng ginawa nilang pangmo-molestiya sa mga kababaihan at biglang pakikipag-gyera sa bansa namin? Above all, they framed up Zane to make it look like there's a treasony in our kingdom.


Muli kong niligon si Donovan, patapos na sila magsayaw ngayon. Lalo akong nairita nung halikan niya sa palad si Louisiana.


Binalingan ko si Lucas at tinanggap ang kamay niya. He flashed a victory smile. Little did he know, I'm up to something.


Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. And the I stepped on his foot. Sinadya kong itusok ang takong ng sapatos ko sa paa niya, diniinan ko pa iyon ng husto.


I feel the satisfaction when he groaned in pain. Hindi niya iyon pinahalata dahil ayaw niyang pagtinginan siya ng mga tao.


"It is my pleasure, Your Highness," sarkastik na sabi ko sa kanya.


Nakuha pa niyang ngumisi na tila ba namamangha pa sa ginawa ko sa kanya.


Lumabas na ako ng dome tutal madami pang seremonyas ang magaganap. Mga isang oras pa bago simulan ang pagtalakay sa diplomasya.


Dinala ako ng mga paa ko sa maze garden. Nakatingin ako sa crescent moon sa kalangitan habang naglalakad. The moon is only showing its  silver thin fraction.


Ibinaba ko ang tingin at namangha sa kagandahan ng kapaligiran. Napapaligiran ako ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Kahit madilim ay kita ang kagandahan ng mga ito dahil sa liwanag mula sa mga lampara.


A pink Begonia flower caught my eye. Pinitas ko ito para mas mapagmasdan ng maigi. Nabitawan ko ang bulaklak nang may maramdaman akong biglang pag-atake mula sa likuran.


Umikot ako at mabilis na nakailag. Tumambad sa akin ang isang lalake na may takip ng itim na tela ang kalahati ng mukha.


He lifted his sword to attach me again. Umilag ako at mabilis siyang tinadyakan sa tyan. I immediately pulled out the dagger that is attached to my legs under my dress. I threw it to his shoulder. Napasigaw siya sa sakit nung tumusok ito sa balikat niya. Sinamantala ko ang pagkakataong na-distract siya sa sakit na naramdaman at sinipa ko ng malakas ang kamay niyang may hawak ng espada. Tumilapon iyon. In a swift move, I catch the sword and pointed it to him.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon