Chapter 33
Madilim ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin. Kung iisipin ito ay isang ordinaryong gabi lamang. Kung walang mga babaeng umiiyak, sumisigaw, at humingi ng saklolo mula sa loob ng abandonadong bahay sa harapan namin.
Napalunok ako habang pinapakinggang ang hinaing ng mga babae sa loob ng bahay. Kinuyom ko ang sarili para kontrolin ang sarili. Hindi ko dapat paandarin ang emosyon ko, kailangan sundin ang aming plano.
"Pinapatawag daw tayo," sabi ni Donovan kay Sebastian.
"Saan daw? Bakit?"
Nagkibit-balikat si Donovan. The surroundings are already dark, but his aura is even darker. Alam ko ang pinaplano niya.
Sumunod naman si Sebastian at umalis na sila. Sinimulan akong hilahin ng lalakeng may hawak sa akin papasok sa loob ng bahay. Nang lumingon ako para hanapin ang dalawa, agad ko silang nakita sa gilid ng talahiban. Nakita kong mabilis na pinasakan ni Donovan ang bibig ni Sebastian ng isang manggang hilaw na napulot niya sa lupa, bago pa ito makapanglaban ay hinawaan niya ito sa leeg gamit ang dagger. Masasabi kong hindi sadyang nilaliman ni Donovan ang pagkakahiwa dahil hindi ito namatay agad.
Nanghihina siyang bumagsak sa lupa habang nakahawak sa leeg. Hindi siya makagawa ng ingay dahil may manggang nakatabon sa bunganga niya.
Napasinghap ako sa sumunod na ginawa ni Donovan sa kanya. Inapakan nito ang pulsuhan ni Sebastian para pigilan ang kamay sa paggalaw. Pagkatapos ay tinusok niya sa palad ang dagger. Hindi pa doon natatapos. Inapakan niya ang kawakan ng dagger hanggang sa pumahiga ang talim at lalo itong diinan ng buong pwersa na nagdulot para mahiwa ang palad ni Sebastian, ang palad na humaplos sa balat ko kanina.
Kitang kita ko ang pangyayari sa liwanag na nagmumula sa buwan.
Naramdaman kong lilingon ang lalakeng humihila sa akin kung saan ako nakalingon kaya kinagat ko ang kamay niya para pigilan siyang makita ang nasaksihan ko.
Nagmura siya sa galit, sinabunutan ako at kinaladkad papasok sa loob ng bahay.
Nanlambot ang mga tuhod ko pagkapasok sa bahay. Ang daming nagkalat na sirang upuan, pinilas na kasuotan, dugo, at iilang babae na wala ng buhay. Ang mga bintana ay basag-basag at may iilan na may bahid rin ng dugo.
Sa magkabilang sulok ay mga babaeng nakagapos habang umiiyak. Hindi ko alam ang rason nila kung bakit may pagbubuklod.
Nakita ko si Kazeen na nasa gilid. Bukod sa espadang nasa gilid niya, may suot siyang quiver na puno ng mga arrow. Bitbit niya ang pana ko. Hindi naman kahina-hinala dahil may mga armas din ang karamihan. May takip na itim na tela ang kalahating mukha niya tulad ng iba. Bigla kong naalala ang mga umatake sa amin ni Zane noong nasa Carlos kami. Pareho ang suot nila. Ibig sabihin, iisa nga talaga ang nasa likod nito. Iisang tao ang gusto akong patayin at alipihin ang mga tao sa aming bansa.
Nang magtama ang mga mga mata namin ni Kazeen, tinuro niya ang ilang lalake na nakatakip din ang kalahating mukha gaya niya gamit ang tingin. Tila sinasabi sa akin na kasabwat namin ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...