Chapter 30

163 3 0
                                    

Chapter 30


"Ayokong magpakasal," mga salitang binitawan ko habang nakasakay kami ng aking mga magulang sa enclosed carriage.


Napatingin sila sa akin. I am surprised that they don't look surprised.


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak ko?" tanong sa akin ng aking ama.


Tumango ako kahit na medyo naguguluhan. 


"Kami na ang bahalang kumausap sa emperror," ang sabi naman ng aking ina.


"Hindi po ba kayo magagalit? Nag-aalala para sa kasunduan ng ating kaharian sa Tarean Empire? Ang magiging reaksyon ng emperror at ng ibang aristocrats? Higit sa lahat, hindi niyo po ba ako pipigilan dahil malaki ang magiging epekto nito sa ating kaharian?" sunud-sunod na tanong ko.


Nagtinginan sila bago ako muling hinarap. Nginitian ako ng aking ina, giving me assurance that everything is not a problem. It relaxes me a bit but the what ifs don't go away.


"Isa kang babae na may paninindigan," wika ng reyna. "Alam mo kung ano ang tama at mali at malaki ang tiwala namin sa'yo. Noon pa man, naisip na namin ng iyong ama na dadating ang araw na ito, na tututol ka sa kasunduang-kasal ninyo ni Donovan."


"Maganda ang prinsipyo mo, prinsesa ko. Alam kong kaya mong pamunuan at patatagin lalo ang ating bansa nang hindi kinakailangan makipag-isa sa kabilang empire o sa alin mang bansa. Marami ka nang napanatunayan," paliwanag naman ng hari.


Niyakap ko sila sa kagalakan dahil masyado akong pinagpala dahil ganit ka-understanding ang naging magulang ko.


♔♔♔



I am eyeing each fancy chandelier that is ornated and hanging on the ceiling while I am preoccupied with the thought of how my parents are dealing with my sudden decision of cancelling the arranged marriage.


Hindi ko mapigilang mag-overthink sa kung ano ang pwedeng mangyari. Kung sakali man na magalit ang emperror ng Tarean at putulin ang koneksyon sa Situia, magiging malaking kawalan ito sa aming kaharian. Maari ring magbigay ng pagkakataon sa ibang bansa na makipagdimaan para sakupin ang aming bansa kung tatanggalin ng Tarean empire ang proteksyon at seguridad na binibigay nila.


"Did you know that the biggest chandelier that is hanging in the center is 60% made of gold? And there are bits of diamonds mounted on every side."


Napatingin ako sa nagsalita. A mysterious guy wearing a dark blue tuxedo is standing next to me. Tulad ko ay nakatingin din siya sa chandelier.


"How have you been, Princess Callista?" Nagbigay-pugay siya bago inalis ang suot na maskara, revealing his face.


"Duke Lucas?" Saka ko lang napansin na kulay berde ang mga mata niya. He, indeed, is a good-looking man. Ngunit sa likod ng maamo at maaliwalas niyang mukha, batid ko ang tinatagong sikreto.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon