Chapter 28

178 4 0
                                    

Chapter 28

Napangiti ako ng masapul ko ng arrow ang mansanas na nasa puno sa di kalayuan. Ayun na ang huling pana ko kaya tumigil na muna ako. Tinignan ko si Zane na nakaupo sa damuhan habang hinahasa ang matalim na bahagi ng mga pana.


Lumapit ako at umupo. Magkatalikuran kami.


Naramdaman kong nilingon ako ni Zane nang sumandal akosa likuran niya. Narinig kong tumawa siya ng mahina.


Nagulat ako nang pinunasan niya ang pawis ko sa noo. Nang ipilig ko ang ulo ko ay na-realize ko kung gaano siya kalapit. Ramdam ko ang init ng hininga niya at umusuog lang ako ng kaunti, mahahalikan ko na siya. 


Natulala ako sa maaliwalas niyang mukha at saglit na pinanood ang buhok niyang bahagyang tinatangay ng hangin.


Bumaba ang tingin ko sa labi niya at napalunok ako. Bigla akong umayos ng upo at tumingala nalang sa mga puno. Umihip ng malakas ang hangin dahilan para magbagsakan ang ilang bulaklak. 


Itinaas ko ang kamay ko para saluhin ang iba. Sandali kong nilingon si Zane. Nakatalikod pa rin siya sa akin pero nakatingala na sya ngayon at tulad ko, pinagmamasdan niya ang mga bulaklak at dahon na bumabagsak. Marahan akong humarap sa kanya nang nakaluhod. Pinagmasdan ko siya habang pinapanood ang tanawin nang may maliit na ngiti sa labi. 


Abot kamay kita ngunitmasyado akong mataas para iyong makamit.Kamatayan ang maaaring mangyari saatinkung ako ay aamin.Bakit tayo pinaglapit nang ganitokung tutol ang tadhana sa ating mga puso? 


Muling umihip ang hangin at naramdaman ko ang pagtangay nito sa aking buhok kasabay nang paglingon sa akin ni Zane. Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang matama ang mga mata namin. 


Hindi ako makawala. Lalo na nung siya ay ngumiti. 


Ang kanyag ngiti ay napalitan ng pag-aalala nang malamang nakaluhod ako sa damuhan. 


"Baka magasgasan ang iyong mga tuhod, prinsesa." Agad niya akong pinaupo ng maayos. 


Pinanood ko siyang punasan ang tuhod kong nabahiran ng dumi gamit ang panyo. 




Nagpunta ako sa Carlos ara bisitahin ang ginagawang paaralan at may dapat akong kausapin na mga opisyales.


"Wala ka bang araw ng pahinga? Bihira ka nalang dumalaw dito."


Napatingin ako sa labas ng opisina at napukaw ng atensyon ko si Zane na nakatayo at nakikipag-usap sa tatlong babae.


"Masyado ka namang lulon sa trabaho mo. Magpahinga at magsaya ka din minsan."


Napataas ang isang kilay ko nang makitang kinapitan ng isang babae sa braso si Zane.


"Ito pa po ang mag kulang na materyales at ito naman po ang plano at disenyo ng ikalawang palapag."

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon