Chapter 41
"Hindi ka nagpunta sa tagpuan kahapon," wika ni Zane habang magkasabay kami ng naglalakad sa palasyo.
Tumigil ako sa paglalakad. Ganun din siya. I can feel his stares to me but I didn't bother to look back at him.
"Pasensya na. Nakalimutan ko."
"Ayos lang, Prinsesa. Ang mahalaga ayos na ang pakiramdam mo," aniya ngunit mahihimigan sa kanyang tinig ang lungkot.
Nagsimula na akong maglakad muli para pumunta sa kwarto kung saan ko susukatin ang mga gown at makapili. May banquet na magaganap sa Tarean at lahat ng mga royalties mula sa iba't-ibang bansa ay dadalo.
May mga kawal naka-assign magbantay sa bawat gilid ng palasyo. Sandali ko silang pinasadahan ng tinging hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko.
May lalakeng dumaan.
Natawag ni Zane ang pangalan ko nang lumiko ako para sundan ang lalakeng nabanggit ko.
"Prinsesa Callista," muling tawag ni Zane sa pangalan ko.
Tumigil ang lalake sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. Humarap ito sa akin at nadismaya ako.
"Princess Callista," bigay-pugay niya sa akin.
Tumango nalang ako.
"May problema ba?" tanong sa akin ni Zane.
Tiningnan ko lamang siya at hindi na umimik. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. I was enveloped with disappointed assuming that man was Donovan. Dim ang light sa dinaanan niya kanina kung kaya't namalikmata ako.
I know I turned Donovan down. But I couldn't deny the fact that I am wanting see him again. How ironic to crave for someone's presence whom I pushed away to stay out of my life.
Kinagabihan, naisipan kong magpahangin. I didn't ask Zane to come with. Ngunit dahil sya ang personal kong gwardya, kasa-kasama ko siya ngayon.
He's trying his best to start a conversation but it feels like I am not in the mood. I just nod or shook my head. Hindi ako masyado nagsasalita. Sinasagot ko lang ang mga tanong niya.
Ramdam niyang may nag-iba sa akin. And I am aware of that myself.
Miski ako naguguluhan.
I chose Zane and dumped Donovan.
Si Zane ang kasama ko ngayon ngunit ang aking isip ay na kay Donovan.
Panay din ang lingon ko sa kapaligiran dahil umaasa ako na biglang susulpot si Donovan... at makikita ko siya.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...