Chapter 15

350 12 0
                                    




Chapter 15


Tama si Donovan. What he showed me will make me forget the traumatizing incident. I was able to sleep in peace after that.


Pero nanaginip ako ng kakaiba although kaunti lang ang naaalala ko. Epekto na rin siguro ng tanawing ipinakita sa akin ni Donovan at sa naikwento niyang propesiya.


I was in the same tower wearing the most beautiful dress with a man beside me. We were sitting and there were fluffy clouds that surrounded us.


None of us were talking. We were cherishing the beautiful scenery in front of us... in front of the Waning Crescent moon which influences humans to rest and restore. It is as if we're savoring the time to reflect.


Nakatulala ako sa kawalan habang binabalikan ang scenario-ng iyon sa panaginip ko.


The affection I had with that anonymous man in my dream feels real. His presence is warmth and very comfortable... which strangely feels familiar.


Nabalik ako sa katinuan nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Donovan. He's wearing a different robe now which obviously shows he just finished taking a bath.


Sa likuran niya ay mga maids na may dalang cart.


Naunang makalapit sa akin si Donovan. At nang makasunod ang mga maids, kinuha niya ang baso ng gatas at inabot sa akin.


"Drink that and eat your breakfast. We'll go to Tanni Puquio in Liyubez after."


"No," mabilis na tanggi ko dahilan para mapatingin siya sa akin nang may pagtataka.


"We need to find Zane," sabi ko ng seryoso.


He looked up. As if he wanted to roll his eyes. "Fine. As you wish, Your Highness."








"Can I ask for a horse?" tanong ko kay Donovan habang papalabas kami ng palasyo.


Tiningnan niya ako habang naglalakad. "Why?"


Of course, ayoko ng umangkas sa'yo. "I can ride a horse myself, Your Highness," ang sabi ko nalang.


Tumaas ang sulok ng labi niya. "I know you do," sabi niya at binilisan ang paglalakad.


Napatigil ako sa paglalakad dahilan para tuluyan niya akong maiwanan. Akala ko ay tutol siya, pero nagtawag siya ng servant at inutusan na magdala ng magandang kabayo na siyang ipapagamit sa akin.


Ako ang nauuna habang naglalakbay kami. Minsan sinasabayan ako ni Donovan, pero madalas ay nasa likuran ko siya. Mayroon rin kaming mga guards na kasama.


Medyo naiilang nga ako kasi hindi naman ako expert sa pagpapatakbo ng kabayo at baka nababagalan sila sa akin. Knowing na beterano sa pakikipaglaban ang mga kasama naming guard and even Donovan himself.


Nang makarating sa Kraxuris, ipinagtanong namin sa bawat bayan kung mayroon bang nakakita kay Zane.


I would never forget how people look intimidated with Donovan's presence. Halos hindi sila makatayo ng maayos and they barely look up to see him. Puro sila mga nakayuko at kapansin pansin ang pagiging uneasy.


Nag-offer ng pabuya si Donovan sa makakapagturo kay Zane. Ngunit wala kaming napala. Ilang bayan na ang pinuntahan namin at inabot na kami ng dilim kaya nagpasya si Donovan na magpahinga muna sa isang ligtas na kagubatan na nadaanan namin.


"Bukas na natin ituloy ang paghahanap," sabi ni Donovan at mabilis na bumaba ng kabayo.


Agad niya akong nilapitan para alalayan bumaba. Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at binuhat pababa ng kabayo. Inayos niya ang damit at buhok ko tapos bumaling sa general. Inutusan niya itong dito na magtayo ng tent. Tumango naman ito at agad ipinasa ang utos sa ibang royal guards.


EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon