Chapter 32
"Mag-iingat ka, Prinsesa Callista. Nakabantay kami sa'yo at sisiguraduhin ang kaligtasan mo," ang sabi ni Zane at isinuot na sa ulo ko ang hood ng suot kong ordinaryong kapa na kulay brown.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina bago ako lumabas ng palasyo. Sa buong oras na inaayusan ako ni Ami at ng ibang royal maids to disguise myself, nakatayo sa gilid ang aking ina at pinapanood ako. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at halata na hindi siya mapakali. Umiyak pa nga siya nang matapos akong ayusan at halos magmakaawa na umatras ako at ibahin ang plano.
Muli ko siyang kinumbinsi at pinangako na walang masamang mangyayari sa akin. I have Zane, Kazeen and other royal armors who will protect me.
Inaamin kong may kaba akong nararamdaman but I have to make this work. I have to go back home alive. For my parents, and for our kingdom.
Simula hapon ay naglilibot ako sa bayan ng Tanay. May nakalap sila Kazeen na impormasyon na sa lugar na ito ang susunod na pakay ng masasamang tao.
Kunware ay namimili ako sa palengke, kakain ako sa karinderya mag-isa tapos maglalakad-lakad uli. Inabot na ako ng dilim pero wala naman akong maramdaman na kakaiba. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot kong lumang trouser at pulang pang-itaas kung kaya't hindi ko maakit ang mga kidnappers.
Lumiko ako para magpunta sa nakita kong tindahan ng mga damit. Balak kong bumili ng dress na may tamang ikli para makita ang balat ko. Hindi pa man ako nakakalapit doon ay may nagtakip na sa bibig ko.
Ibig-sabihin, hindi totoo na ang pangbabastos ay dahil sa suot ng kababaihan. Aatake ang mga masasamang tao kahit kailan nila gusto, ano man ang suot mo.
May nilagay silang napakatapang na pabango sa panyo dahilan upang makaramdam ako ng hilo hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nang magising ako kay may naramdaman akong humahaplos sa balikat ko. Naalimpungatan ako at may biglang pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghatak para paupuin akong muli.
Saka ko na-realize na nasa karwahe kami. Ako, at dalawang lalake na nakaupo sa magkabilang gilid ko.
Nakagapos ang mga kamay ko at may takip ang bibig ko.
"Hoy bobo ka ba, iliko mo sa kaliwa! Bakit dire-diretso ka?" sigaw ng nasa kanan ko sa nagpapatakbo ng kabayo.
Sumunod naman ito.
Impit akong napatili nang ibaba ng nasa kaliwa ko ang suot kong kapa hanggang sa magkaroon siya ng pagkakataon na ibaba ang suot kong pulang blusa. Akmang sasaktan ko siya gamit ang dalawa kong kamay na nakatali ngunit kinuha niya ito para pigilan.
I groaned when he started to lean his face forward, attempting to kiss my shoulder.
Nagulat ako at napapikit nang biglang umalog karwahe. Sandali akong napatingin sa harapan at nakitang nakatigil ang kabayo at ang kalahating katawan nito ay nakaangat, na agad din namang sumalampak sa lupa ang dalawang paa di kalaunan.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...