Chapter 22

234 8 0
                                    

Chapter 22


"Himala, nasaan ang personal body guard mo na palagi mong hinahanap, prinsesa?" bungad ni Donovan paglabas ko ng palasyo.





Sinundo niya ako. Ngayon ako pupunta sa bansa nila para "turuan" niya ako at mahasa pang lalo ang kakayahan ko sa paggamit ng espada at pana. Hindi na ako nanghingi ng impormasyon sa aking ama dahil alam kong si Donovan ang buong may pakana nito.





Kung tutuusin, marami kaming magagaling na mandirigma at kahit si Kazeen at Zane, maaari akong turuan.





Wala akong nakikitang dahilan para kailanganin ko pang pumunta sa kabilang empire para magsanay.





Pakiramdam ko si Donovan ang nagsimula ng plano at bilang utang na loob ko ang buhay ko sakanya, hindi nakatanggi ang aking mga magulang.





"Mayroon siyang importantent misyon, Prince Donovan." Sagot ko matapos magbigay pugay sa kanya.





Naisip kong ito rin ang pagkakataon upang mas matutukan ni Zane ang inuutos ko sa kanyang alamin ang totoong pagkatao ni Sheryl. Naisip ko kasi na siya ang magiging daan para mahanap namin ang grupo ng mga sindikato at gumagawa ng human trafficking sa bansa namin.





Ilang linggo na akong nasa kaharian nila Donovan pero hindi ko ito nakikita. Pakiramdam ko nag-aaksaya lang ako ng araw dito dahil hindi naman niya magawa ung sinasabi niyang tuturuan niya ako makipaglaban. Nalaman ko rin dawna inutos niya na walang ibang pwedeng magturo sa akin at hindi ako pwedeng lapitan ng ibang lalake maliban sa mga kawal na magbabantay sa akin kung lalabas ako.





Para siyang ewan! Masyado ring malaki ang palasyo nila kaya posible na hindi kami magpang-angbot o magkasalubong. Wala akong ibang ginawa kundi mamasyal at magbasa ng libro. Paminsan-minsan ay tumutulong akong magdilig ng mga halaman at bulaklak sa hardin para malibang.





Kinagabihan, naisipan kong magpahangin dahil ayaw akong dalawin ng antok. Nakaubos na rin ako ng isang basong gatas pero walang talab. Hindi ako masyadong lumayo dahil hindi ako taga-rito at hindi ko kabisado ang lugar. Madalas nga akong naliligaw pabalik sa kwarto ko kapag ako lang mag-isa. Katulad ngayon. Nagkamali ata ako ng hagdang inakyatan.





Wala akong natanaw na pintuan ng kwarto sa paligid. Itong palapag ay may napakalawak na espasyo at wala masyadong kagamitan. Agaw pansin ang malaki at magandang chandelier na may mga diamonds. Na-appreciate ko ang kagandahan noon ng ilang segundo. Bababa na sana ako nang may ma-realize. Na-realize kong may ibang tao. Lumingon ako at nakita si Donovan.





Nakaupo siya sa sahig. Nakasuot siyang pang-armor at nakita kong nakakalat sa sahig ang isang matalas na espadang may bahid pa ng dugo. Napasinghap ako dahilan para mapalingon niya sa akin.





His face is very serious, dark but I noticed there's dullness in his eyes the moment he looked at me.





Iniwas niya ang tingin sa akin at tumungga sa hawak na bote ng alak. Naroon siya sa bandang gilid katabi ang mga kandilang nasa stand. Nagsimula akong maglakad para lapitan siya. Nakikita ko ang malabong reflection niya sa sahig na gawa sa marmol. They call Donovan as most ruthless prince in their empire.





Nakuha niya ang ugali at katapangan ng kanyang lolo. Palagi siyang seryoso at hindi nakikitaan ng emosyon. Nakakatakot ang dala niyang awra madalas ngunit ngayon ramdam ko ang galit at lungkot na bumabalot sa kanya.





Nakadiretso ang mga binti niya habang nakaupo. Ang isang kamay ay nakatukod sa sahig habang ang isa ay nakahawak sa bote.





"What's wrong, Your Highness?" tanong ko kahit alam ko namang wala siyang balak magkwento sa'kin. Yun ngang sinundan niya ako sa puquio ay sa iba ko pa nalaman. Hindi niya ako tiningnan. Uminom lang uli siya ng alak.





Lumuhod ako para mapantayan siya. Sya namang yumuko para di ko makita ang hitsura niya. "You don't want to marry me because I'm ruthless and merciless, correct?" Halos mapaatras ako nang iangat niya ang tingin sa akin at sumulubong sa akin ang malungkot niya mata.





Hindi niya maitago iyon gaano man ang gawin niya. Medyo namumula rin ang mga ito at halatang ginagawa ang kanyang makakaya para hindi maiyak.





"That's not true," halos pabulong na sabi ko. Hindi naman talaga ayun ang dahilan, kundi dahil ayoko magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.  Ngunit hindi ko ito sinabi dahil hindi rin naman makakatulong.





"Every one is right. I'm such an asshole!"





"Prince Donovan—"





"I killed my best friend! With my fucking own fucking sword!" Tinaas niya ang bote at muling tinungga. Nakapikit siya habang ginagawa iyon. May pagkakataon pang napapariin ang pagpikit niya.





Hindi ko alam kung dahil ba sa humahapdi ang lalamunan niya sa pagtungga ng alak o dahil sa nasasaktan siya sa nagawa niya sa kaibigan niya.





"I fucking killed my only best friend, Callista. I fucking killed him!"





Hindi ko alam kung paano siya pakakalmahin. Umiiyak na siya ngayon.





"I told him twice not to proceed with their plan and even gave him a final warning but he didn't listen. I... I was left with no choice but to kill him."





Hindi ko man alam ang buong kwento, nakikinita kong ginawa niya iyon for good... for their people. Kitang-kita ko rin na hindi niya gusto ang nangyari pero wala siyang nagawa. Niyakap ko siya.





"Of all people... why him? Why it has to be him, Callista?" he cried.





Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Kahit nakakatakot si Donovan ramdam ko ang kabutihan ng puso niya. Naiintindihan ko kung bakit nya nagawa iyon hindi man nya sabihin ang buong kwento.





Naramdaman kong tumungga na naman siya ng alak habang yakap ko siya. Nang medyo kumalma na siya saka ako bumitaw sa kanya. Pinunasan ko ang luha niya. "I'm sorry, Your Highness. I cannot fathom how much you are suffering right now and I'm so sorry I do not know what to say to comfort you."





Umiling siya. "Your presence is enough comfort to me."





Napatingin ako sa bote nang tumunog ito matapos ibagsak ni Donovan sa sahig. Pagharap ko sakanya, hinawakan niya ang pisgi ko gamit ang isang kamay. Ang isa ay nakatukod pa rin sa sahig.





Sa hindi inaasahan ay hinalikan niya ako.





Lalong nanlaki ang mga mata ko. Ilang segundo bago sya lumayo. Tila nabalik siya sa katinuan nang tingnan niya ang nanlalaki kong mga mata. Nag-iwas siya ng tingin tapos lumayo.





"I beg for your forgiveness, Your Highness," aniya matapos lumuhod sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapagsalita, gulat pa rin.





Nagpaalam siyang aalis na hanggang sa nawala na siya sa paningin ko at agad may apat na maids na nagmamadaling lumapit sa akin.


Sa likod nila ay isang lalakeng servant na dumampot ng espada. Itinayo ako ng mga katulong at doon lang ako nabalik sa ulirat. DID THE CROWN PRINCE JUST STOLE MY FIRST KISS?

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon