Chapter 39
Ilang araw ang nakalipas, nabahala ang buong Situa sa malakas na kulog kahit na wala namang ulan hanggang sa maggabi. Naging dominante naman ang kidlat ng magdilim. Tumigil na ang kulog ngunit maya't-maya ay kumikidlat.
Nakaharap ako sa malaking bintana buong gabi dahil gusto kong bantayan ang kaganapan kung sakaling may biglang hindi kaaya-aya ang mangyari.
Hinikayat ako ni Ami na bumalik na sa silid ko para matulog at tiniyak ako na may mga opisyales, kawal, at iba't-ibang tauhan ng palasyo ang nakabantay, nag-oobserba at pinag-aaralan ang nangyayari.
Tumalikod na kami ni Ami sa bintana para magpunta na sa silid ko. Nang biglang mag-iba ang kulay sa kapaligiran.
Halos sabay kaming natigilan ni Ami sa paglalakad at nilibot ng tingin ang paligid. The surroundings has become mauve. Umikot ako. Ang liwanag na may kakaibang kulay ay nanggagaling sa labas ng bintana.
Mabilis akong lumapit sa may bintana. Hatinggabi ngayon ngunit naging maliwanag sa labas at ang daming ulap ang nagkalat.
This scenery is too familiar.
"Prinsesa!" Natawag ni Ami ang pangalan ko sa gulat dahil sa aming natunghayan.
Unti-unting numipis ang mga ulap hanggang sa tumambad ang buwan.
Ang tanawin tulad ng ipinakita sa akin ni Donovan sa secret tower ng palasyo nila. Ang mga pagkakaiba ay mas dark ang kulay ng paligid, at isang moon lamang ang nagpapakita, hindi ang pangkalahatan ng labing-dalawang yugto ng mga buwan.
The only moon that is present right now is the new moon.
"Nakakatakot na pangitaing iyan, Prinsesa."
Napatingin ako kay Ami nang magsalita siya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya. Seryoso siyang nakatitig sa labas at bakas ang kaba at pag-aalala sa mukha niya.
Nung muli akong bumaling sa labas, wala na ang buwan at ang kalangitan ay unti-unting bumabalik sa kadiliman. Hanggang sa bumalik na sa normal ang gabi. Tumigil na rin ang kidlat.
Pumihit si Ami para humarap sa akin. She's still terrified. And then she told me a legend story that made me wide awake the whole night.
♔♔♔
I was standing on the tulip pathway while admiring the beauty of Yiré Mountain in front of me. It is the longest mountain range not only in Situia but in the entire Egtaro empire.
"Prinsesa!"
Napangiti ako nang marinig ang boses niya mula sa likuran. Tumikhim ako bago umikot para harapin siya.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...