Chapter 34
My heartbeat is racing while I feel my blood drips down my hand as I grip the broken glass tighter. My heart is burning with rage. The vision my eyes can only flash is the abomination my brain is sending—the terrifying scene that the maltreaters deserve.
Ang matandang lalake ay lumuhod sa harap ng babae at marahan na inangat ang laylayan ng suot nitong bistida. Nakatingin siya sa mukha ng babae habang ginagawa niya iyon nang may ngising mala-demonyo ang naglalaro sa labi.
Ang bata naman ay hindi makagalaw at tanging pag-iyak at paghingi ng saklolo ang magawa. Habang nagmamartsa ako papunt sa kanya, may lalakeng lumapit sa akin para pigilan ako pero mabilis siyang nasaksak ni Donovan upang walang makasagabal sa dinaraanan ko.
Nagsimula nang magkaroon ng komosyon. Nagkagulo na. Sakto napansin ito ng matandang lalake kaya tumayo siya at tiningnan ang paligid ng may pagtataka. Sakto namang sa muli niyang pagharap sa batang babae, sinalubong ko siya ng pag-atake. Mariin kong tinusok ang hawak kong bubog sa pisngi niya at saka ito hinila pababa hanggang bibig niya. Tignan natin kung makangiti ka pa kahit ipagamot mo 'yan wala ka ng pag-asa!
At wala rin akong pakialam kung aristocrat o ano man ang antas mo sa buhay. Isa kang mapansamantala at nararapat sayo ang maparusahan!
Napatingin ako saglit sa bata nang niyakap niya ako. Lalo siyang umiiyak ngayon.
"Prinsesa Callista!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Kazeen. Agad niyang binigay akin ang pana at quiver na puno pa ng arrows tapos nakipaglaban na rin siya tulad ng iba.
Hinayaan kong nakayakap sa bewang ko ang bata at nagsimula nang panain ang mga kalaban. The house is in chaos. Napuno ito lalo ng iyakan, patayan, at pagdanak ng dugo. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, ganun din naman ang bata na ramdam ko ang takot at panginginig habang nakayakap sa akin.
May mga nagtangkang lumapit sa akin para atakihin ako gamit ang espada at kung anong panaksak pa ang hawak nila, ngunit naaagapan ito ni Donovan at minsan at si Kazeen kahit na wala sila sa tabi ko. May pagkakataon na hahagisan ni Kazeen ng punyal ang kalaban na nagtangkang lapitan ako, at si Donovan naman ay gamit ang espada na nahugot sa napatay na kalaban.
Hanggang sa may napansin ako sa kabila ng kaguluhan. May lalakeng pasimpleng tatakas. Siya iyong lalake na pinaluhod ang dalagang babae kanina at sapilitan na pinasubo ang kanyang nakakadiring ari.
Pinaliparan ko siya ng arrow at sumapol iyon sa hita niya. Tinarget ko ang pareho niyang hita para siya naman ngayon ang nakaluhod at nagmamakaawa.
Hinubad ko ang quiver nang wala na akong makapang arrow mula sa likuran ko. Wala na akong arrow! Pero walang akong pakialam. Nandidilim ang paningin ko sa lalakeng iyon at hindi ako matatahimik nang hindi siya napaparusahan sa pangbababoy na ginawa niya sa dalaga.
Nagsimula akong maglakad habang masama ang tingin sa lalakeng iyon. Bumitaw naman ang bata sa akin pero humawak siya sa damit ko at sinabayan akong maglakad.
Kita ko ang panginginig at nerbyos ng lalake. "P-Prinsesa Callista, p-patawarin nyo po ako. M-magbabago na ako," paulit ulit na sabi niya habang papalapit ako sa kanya.
Akala niya ata hindi ko napapansin ang pasimpleng paglibot ng paningin niya na halatang naghahanap ng sandata.
"Princess!" tawag sa akin ni Donovan.
Hinagisan niya ako ng arrow na hinugot niya sa katawan ng isang lalakeng nakahandusay sa sahig. Nasalo ko iyon at agad akong pumostura at itinutok ang dulo ng arrow sa direksyon ng aking target.
Nanlaki ang mga mata ng lalake nang makitang papanain ko na siya. Nagmadali siyang gumapang para kumuha ng akung anong ibabato sa akin o tumakas. And right there, I hit the most disgusting part of his body. He shouted at the top of his lungs out of pain after the arrow hit his thing, and my bowstring sounds satisfied as I am.
And then I looked around. Ang mga biktimang babae ay tumutulong din sa pakikipaglaban. Nakita ko ang isang babae na hinampas ang kalaban gamit ang kahoy mula sa likuran dahil akma nitong sasaksakin si Kazeen.
Hinawakan ko sa kamay ang bata. Malamig ang kamay niya. I gave her a smile to assure her that I am here and I will protect her.
Sa ilang sandali, humupa na ang gulo. Naubos na ang kalaban. Ang ilan ay napuruahan at namatay, ngunit ang iba ay hinayaang mabuhay dahil mas karapat-dapat na magdusa sila panghabang-buhay. Tinatalian na sila sa kamay ng mga kawal.
Sakto naman dumating si Kazeen kasama ang limang kawal. Dala-dala nila si Sheryl na maraming pasa sa mukha at puro sugat.
Masama ang tingin nito sa akin at lumuluha siya dahil sa paghihinagpis.
"Mga walanghiya kayo! Pinatay nyo ang anak ko!" paulit-ulit na sigaw niya.
Tiningnan ko si Kazeen para humingi ng paliwanag sa sinasabi ni Sheryl. "Nahuli sila ng mga kawal kanina at tinalian para dalhin sa kulungan pero tumakas ang anak niya at nasagasaan ng isang karwahe habang tumatakbo. Tumalsik siya at nahulog sa bangin." Agad na paliwanag ni Kazeen.
"Kasalanan niyong lahat kung bakit namatay ang anak ko!" galit na galit na sigaw niya sa amin. Namumula ang mga mata siya dahil sa pag-iyak at puno ito ng galit.
Hinila ko ang bata papunta sa aking likuran bago ko nilapitan si Sheryl. Tinitigan ko ang mukha niya. Tama nga si Amidala, isa siyang dayuhan. This intruders were abusing my people thinking we won't be able to contend.
"Babae ka, Sheryl. At isa ka ring ina. Paano mo nagagawa ang lahat ng ito?" tanong ko sa kanya.
Ang dalawang kamay niya ay nasa likuran niya at hawak ng isang kawal.
"Babae ako kaya ko ito nagagawa," mariing sabi niya sa akin.
"Ang magpahawak ng kapwa mo babae?"
"Palibahasa kasi pinaganak kang makapangyarihan. You were born with golden spoon in your precious mouth. Kaya hindi mo naiintindihan ang sitwasyon naming walang dugong maharlika na nananalantay. Pinanganak kaming babae lang at sunod-sunurin sa mga lalake, sa hari. You know what? I even sacrifice my own daughter to please him, my first born! And then later on poisoned her myself to end her agonies.
Unlike you who was born powerful, I am just an ordinary woman who has no purpose in life but to obey that fucking misogynist king!"
Mabilis ang sumunod na nangyari. Agad niyang hinablot ang espadang hawak ng katabi niyang kawal para atakihin ako.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...