Chapter 8

543 14 0
                                    


Chapter 8


"Sigurado ka na ba dito, Prinsesa Callista?" tanong ni Zane bago kami tumuloy sa tulay papunta sa sakayan ng barko. 


Lumingon ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nakakapansin na ako ay prinsesa. Like the usual, naka-disguise ako. Hindi na ginawang tan ni Ami ang balat ko. Pinagsuot niya ako ng wig na kulay itim na may bangs (which surprisingly exist in this world), at salamin para maitago kahit papaano ang mala-ginto kong mga mata. Pinahiram rin niya ako ng ordinaryong kasuotan at pinagbaon ng tatlong piraso in case hindi kami makauwi agad.


"Pasensya ka na, Prinsesa Callista. Pero ito ang naiisip kong paraan para hindi ka maging agaw pansin sa iyong paglalakbay," tanda kong sinabi ni Ami. I gave her the assurance na everything is fine with me at sang-ayon ako sa kanyang ideya at plano.


Bumuntong-hininga ako. Hindi ko mapagkakailang kinakabahan ako sa gagawin ko. Una, hindi ako ganoon kasigurado sa Tanni Puquio. Pangalawa, kung anu-ano ang naisip ko sa maaaring panganib.


Pero patuloy akong mag-iisip kung hindi ko susubukan.


Tumingin akong muli kay Zane at tumango. "Sigurado ako," puno ng determinasyong sabi ko.


Zane is still hesitant, but chose to go with me regardless of me telling him he does not have to. He said he just wanted to make sure my safety. 


Nagtungo na kami pasakay sa barko. Si Zane ang nag-abot ng ticket namin at pagpasok namin ay maaga naming nahanap ang upuan namin. Ang barkong ito ay literal na pang-transport lamang, ordinaryo at hindi tulad ng iba na mayroon mga kwarto. Dito ay tabi tabing upuan at bawal may dagdag na bayad kung gusto mong pumunta sa deck para panoorin ang karagatan.


"Nagugutom ka ba..." mabagal na sabi ni Zane, halatang nagdadahan-dahan siya at nag-iingat dahil baka matawag niya akong prinsesa.


"Medyo. Saka nauuhaw."


Tumango siya at tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.


Napatingin ako sa katabi kong babae na pinapaypayan ang anak na nahihilo. Nilabas ko ang pamaypay ko mula sa bag at binigay iyon sa kanya. Sombrero lang kasi ng anak niyang binata ang ginagamit niyang pamaymay.


Nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamaymay at ang nakaukit rito. May salitang "Egtaro" na ginamitan ng ginto. Bigla kong na-realize ang nagawa ko. Ngunit hindi ko naman magawang masisi ang sarili ko dahil naawa ako sa kalagayan ng anak niya.


"Salamat," sabi niya. Pilit na itinatago ang kuryusidad. Ramdam kong gusto niya ako tanungin kung bakit ganoon ang pamaypay ko o kung saan ko ito nakuha.


"Ano ang pakay mo sa pag-alis?" tanong niya sa akin.


Mabilis akong nag-isip ng idadahilan. Hindi ko pwede sabihing nagbabakasyon. Hindi ito tulad ng modern world na pwede kang dumayo sa ibang bansa kung kailan mo gugustuhin para sa bakasyon. Papayagan ka lang umalis ng bansa kung importante.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon