Chapter 13

381 9 0
                                    




Chapter 13

"Kanina mo pa ako tinitingnan na parang pinagdududahan mo ako," sabi ni Donovan habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya.


And he cannot hide the amusement in his voice.


Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik habang naglalakad kaming dalawa. Tahimik ang palasyo pero may mga nakabantay na kawal bawat sulok.


Nang makarating kami sa silid ni Donovan, sandali akong napatingin sa malaking bintana at nakitang nagsisimula nang sumikat ang araw.


Naramdaman ko ang mainit na palad ni Donovan sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. Naglalakad pa din kami. At nakatingin siya sa isang mataas na bookshelf.


Iniwan niya ako saglit at nilapitan ang mataas bookshelf. May kinuha siyang maliit na kutsilyo sa ilalim ng libro at itinusok niya iyon sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko nang nagkaroon ng ingay kasabay ng pag-ikot ng shelf. Tumambad ang madilim na lagusan.


"My grandfather, the late emperor, built this secret passage in my room to the paradise that only specific royalties are allowed to enter."


I wonder who are those "specific royalties" but I did not bother to ask.


Nilapitan niya akong muli at inoffer ang braso niya na siyang kinapitan ko. And then we headed towards the secret passage. May switch na hinila si Donovan sa gilid gamit ang isang kamay dahilan para bumukas ang mga lamp sa gilid kasabay ng pagsara ng shelf o ng pinto.


Malayo ang binaybay namin. Gusto ko na ngang tanungin si Donovan kung may katapusan ba ang nilalakad at inaakyat namin pero pinili ko nalang na manahimik. At parang wala na rin akong energy dahil pagod pa ang emosyon ko at napapagod na ako kakaakyat sa hagdan na kay taas!

Wala namang kakaiba sa secret passage. The walls are made of plain bricks with lamps mounted a few feet away from each other while the spiral staircase is wooden with steel railings.


"Are we heading to the castle turret?" di ko na natiis. Nagtanong na ako. Sa sobrang taas ng inaakyat namin, feeling ko doon na kami papunta.


Ang Caste Turrets ay parang tower na nasa tuktok ng palasyo. Marami itong purpose. At ang main purpose nito ay tulad ng watchtower na nagbibigay ng access upang makita ang kapaligiran, para mabantayan kung may susugod na kalaban o kung may nag-e-espiya sa malayo.


Sa araw-araw na pananatili ko sa mundong ito, marami na rin akong nalalaman.


"Why, are you tired?" tumigil si Donovan sa paghakbang at tiningnan ako ng masinsin.


Umiling ako. Pero ang totoo, napapagod na ako at nararamdaman kong sumasakit na ang binti ko.


Napasandal ako sa railings na umamba si Donovan na bubuhatin ako. Muntikan pa akong ma-out of balance. Mabuti at mabilis ang reflex action ni Donovan. Mabilis siyang napahawak sa railings sa gilid ko. Kumbaga, naging harang at nasuportahan ng braso niya ako para mapigilang ma-out of balance.


But that abrupt action made me feel awkward. Sobrang lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko kung gaano siya kabango. Kitang-kita ko kung gaano ka-gwapo ang kanyang mukha kahit dim ang mga lamps sa paligid.


"Kung ayaw mong buhatin kita, ipapasan nalang kita," sabi niya.


Umiling ako uli.


"Baka mamaya mahulog pa tayo." Ayoko...


Tumawa siya. "Minamaliit mo ba ang kakayahan ko, Your Highness?" Tinitigan niya ako ng matagal.


Nag-iwas ako ng tingin.


Napatingin nalang ako uli sa kanya nang lumayo siya at tumalikod sa akin.


He looked at me from behind as he bended over, "Let's go, my princess. Ayokong mapagod ka."


Napanganga nalang ako at hindi agad nakaimik.


Firstly, he's talking to me in my language. Isipin ko palang na inaral niya ang lenggwahe ko para mas lalo kaming magkaintindihan, natutuwa na ako.


And he's always gentleman towards me. I'm not sure if this is only because he's the Crown Prince and he was raised how to be one and to have proper etiquette.


Or maybe he is just like this because I am Callista... the female lead in this story. His beloved.


Sumunod ko nalang nalaman ay nakapasan na ako sa kanya. Nakayakap ako sa kanya habang umaakyat kami ng hagdanan.


May oras na nag-aalala ako dahil baka napapagod na siya. Yun ngang mag-isa lang, nakakapagod na. Ano pa kaya ang may buhat-buhat o pasan-pasan?


Hindi ko naman siya nakitaan ng pagkapagod. Marahil sanay siya sa mabibigat na pagbuhat dahil parte iyon ng pagsasanay sa pakikipaglaban.


Nang makarating kami sa dulo ng hagdanan, mayroong vintage lift. Namangha ako sa ganda ng arkitekto at disenyo nito. At ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng vintage elevator.


"Walang ganyan sa kaharian namin." I can't believe I said it out loud.


"My grandfather built this for a very special place. It is powered by water hydraulic pistons and built by the same engineers who built the Tanni Puquio in Liyubez."


Napatingin ako sakanya nang banggitin niya ang lugar na nais kong puntahan.


"Bakit mo nga pala binalak na pumunta doon? I bet you heard stories about it."


"May gusto lang akong makita... at iba pa."


Hindi sya umimik. Nakatingin siya sa akin na parang sinusubukang basahin ang nasa isip ko dahil ang vague ng sinagot ko.


"Ito ba yung sinasabi mo sa akin na ipapakita mo?" tinuro ko ang magandang elevator. Para maiba ang usapan.


Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. "No," sagot niya. "But do you know why the black diamond is combined with gold linen?"


Paano ako makakasagot sa sinabi niya kung binanggit niya lang naman ang black diamond tapos may gold pa. That elevator is definitely no ordinary and it may costs trillions of dollars in our real life. No wonder kung bakit ang kinang at sobrang ganda ng elevator. Bukod sa mga royal elements, may nakaukit na Dragon sa bandang itaas (simbolo ng kanilang empire) na nag-ha-highlight sa lift.


Black diamonds are rare compared to colorless ones. Tapos sila ginawa lang elevator? At may gold pa. Can anyone imagine how expensive this elevator is?


"Why?" Halos nakalimutan ko nang mag-respond kay Donovan. Nakatitig siya sa kabuuan ng lift.


"To show how magnificent it will be when our empire unites with your kingdom."


"Ayun ang basehan niyo?" sarkastikong tanong ko.


"Of course not." Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, na parang humihingi ng abiso para hawakan niya ang kamay ko.


After staring at it for a few seconds, I lifted my hand to hold his.


Nahuli ko ang pag-ngiti niya ng matamis. He squeezed my hand and we walked inside the lift.


"I am going to show you the enthralling reason."

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon