Chapter 4
Mayroong sitting arrangement. Nakadepende ang estado mo sa buhay kung saan ka uupo. The higher class you are, sa pinakataas ka uupo. Servants and Royal Households are not allowed to sit, though. Nakatayo sila sa pinakaunahan ng bleachers.
King / Queen
Duke / Duchess
Marquess / Marchioness
Count / Countess
Viscount / Viscountess
Baron / Baroness
Ang mga hari at reyna ang may pinakamagandang upuan. It's as if they are already sitting on a throne. Nahahati rin ang mga upuan at mayroong aisle kung saan dadaan ang hari at reyna.
Sa di kalayuan ay may nagtaas ng puting bandila. Mayroon ding nagpasabog ng maliit na canon. Napatakip ako sa tenga dahil nagulat ako sa ingay nito.
Naramdaman kong tumawa si Donovan kaya napatingin ako sa kanya. Nasa left side ko silang pamilya. Di nga ako nagkamali. Natawa siya sa reaksyon ko. Inirapan ko lang siya at muling nanood sa pa-program nila sa arrival ng aking mga magulang.
According to Ami, kaya nandito ang mga hari't reyna mula sa iba't ibang bansa ay dahil para makipag-negosasyon sa aking parents, Diplomatic affairs, pakikipagkalakan, at iba pa.
Mayamaya lang may natanaw na akong golden carriage sa malayo. Pinanood ko ito hanggang sa tumigil ito nang makalapit.
May royal guard na nagbukas ng pinto ng carriage. Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang mama ko. Kasunod niya ay ang papa ko.
Naramdaman kong nanggilid ang mga luha ko. Hindi ko matatawag na bangungot ang mundong ito dahil may magandang nangyari— muli ay nakita ko ang mga magulang ko.
Kami ay inanyayahan na tumayo.
Napahawak ako sa arm rest ng aking upuan nung tumayo ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Masayang masaya ako na makitang muli ang mga magulang ko. Gusto kong tumakbo palapit sakanila at salubungin sila ng mahigpit na yakap ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang alam ko lang para ng gripo ang mga mata ko sa kakaiyak.
Lahat kami ay nag-bow. Marapat mo lamang na iangat ang iyong ulo kapag nakalagpas na ang hari at reyna. Ayun ang napansin ko habang pinapanood ang lahat. Mula sa pwesto ng mga Servants and Royal Households paakyat sa mga royalties.
"Mahal na prinsesa," tawag sa akin ng aking ina.
Lalo akong napahagulgol ng iyak. Walang duda siya ang totoo kong nanay. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Inabutan ako ng panyo ni Papa.
"Papa," nasabi ko nalang at niyakap silang pareho.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...