Chapter 45

1.1K 12 1
                                    

Chapter 45





Isang gabi lamang ang lumipas, ang dami na agad nangyari kinabukasan. Umaga palang ay inanunsyo ng Tarean Empire na hindi na nila kami protektado. Other countries, even the ones in our own empire, take advantage of the news.


Maliit ang Situia ngunit mayaman ang bansang ito lalo na sa mga ginto kaya madami ang nag-aagawan at may interes manakop.


Nagkaroon ng biglaang pag-atake mula sa magkakasanib-pwersang bansa, na matagal na palang pinagpaplanuhan ang pag-atake sa oras na ibaba ng Tarean ang proteksyon sa amin. Alam din kasi nila na hindi kami kayang proteksyonan ng buong Egtaro empire dahil sila mismo ay interesadong angkinin ang aming bansa.


Ang daming nasirang mga tahanan. Ang daming namatay. Hindi kami handa at kulang kami sa mga armas laban sa malalakas na bansa.


Napuno ang lugar ng iyakan. Sumama ako sa pakikipaglaban. The intruders will kill all my soldiers but they won't touch me.


Walang nakikipaglaban sa akin. And I am sure this is an order from Donovan. He wouldn't want to put me in danger but ironically destroying my kingdom. He is insane!


"Prinsesa Callista," sumulpot si Kazeen sa gitna ng digmaan. Halos mapuno ng dugo ang suot niya. Bukod dito ay may napansin ako sa itsura niya na hindi ko nagustuhan.


"Si Ami..." sabi niya.


Bigla akong binalot ng kaba. "Nasaan siya?"


Hinawakan niya ako sa siko at hinila. Dinaanan namin ang mga taong puro naglalaban ng espada at nagpapatayan. Alam kong talo kami sa kanilang lahat. Ngunit mabuti nang matalo na nakipaglaban kaysa magpatalo nang walang ginawa.











Nanlambot ang mga tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa lupa nang makita ko si Ami na nakatali sa kahoy na poste. At si Zane. Pareho silang nakagapos at walang malay. Sa lupa ay may nakapalibot na malalaki at mahahabang tuyong dahon.


Lumitaw ang taong pinaka-kinaiinisan ko sa lahat.


"Do you enjoy the show?"


Tumayo ako at nakipagtitigan sa kanya. Kung siya ay nagagawa pang ngumisi, ako naman ay puno ng paghihinagpis ang emosyong binabato ko sa kanya.


"Hayop ka!" Lalapitan ko sana siya para sampalin ngunit inawat ako ni Kazeen.


Tinutukan naman ako ng espada ng isang lalake sa tabi ni Donovan.


"Put that down!" singhal niya sa lalake na siyang sumunod agad at umatras.


"Piliin mo lang ako, Prinsesa Callista. Sabihin mo lang na papakasalan mo ako, ititigil ko ang lahat ng ito."


Sandali akong nag-isip. Naglakad ako palapit sa kanya. Sumilay ang ngiti sa labi niya.


Laking gulat niya nang sinalubong ko siya ng isang malakas na sampal.


Nag-igting ang panga niya habang nakatingin sa gilid. Nang ibalik niya ang tingin sa akin, sumalubong sa akin ang nagtatangis na mga mata.


Bumalik sa alaala ko ang gabing nagmakaawa siya sa akin sa labas ng palasyo namin.


"I don't carry power and crown only to beg and you brought this epiphany just now. Soon, you'll be the one who begs for my love."


Mula sa pagiging maamong tuta ay nag-transform siya biglang mabangis na tigre.


EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon