Chapter 16Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Donovan. Basta lang siya nakatingin sa akin.
Napaisip tuloy ako na baka ma-misunderstand niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi na din tuloy ako inaantok," putol ko sa katahimikan.
Tumayo siya. Akala ko ay aalis. Ayun pala, hinila niya ang zipper sa ibabaw ng tent. Pumasok ang sariwang hangin nang tanggalin niya ang cover ng tuktok ng tent. Tumambad din ang kalawakan na pinaganda ng mga bituin.
"Wow!"
Umupo si Donovan sa tabi ko. "This isn't as magnificent as what I showed you last night, though."
"It's pretty," nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang kalangitan. Sa kalagitnaan ng dilim ay may mga bituin na nagbibigay liwanag at buhay. "And much realistic." Tumawa ako ng mahina.
"Ayaw mo bang ako nalang ang sumama sayo papunta sa Tanni Puquio?"
Nang tingnan ko siya ay may kung ano sa ekspresyon niya na hindi ko maipaliwanag. Tila nagsusumamo o umaasang may magbabago sa isip ko.
"Sorry," ang tanging nasabi ko.
He flashed a smile. "Don't be. I will always respect your decision without explanation needed."
We spent another day searching for Zane to no avail. Lalo tuloy akong nag-alala sa kalagayan niya.
Hapon na nang bumalik kami sa palasyo. Nag-utos si Donovan nang maghahanda ng pampaligo ko tapos umalis na siya at nagpunta sa kung saan man.
Bago ako tuluyang pumasok sa paliguan, narinig kong nag-uusap ang mga maids.
"His highness is really cruel."
"But what those men did is very immoral and inhuman."
"Yes, but still, they are his highness people. He shouldn't condemn them in an immoral way, too."
Hinatulan ni Donovan ang mga perpetrator sa paraang imoral?
Nagulat sila nung tuluyan na akong pumasok sa silid paliguan. Lahat sila ay nanlaki ang mga mata pagkakita sa akin. Ang isa pa ay naibuhos bigla ang basin na naglalaman ng rosas sa tub ng tubig.
I closed the door shut and asked them. "Can you share with me what are you talking about? Are you referring to those criminals who killed my people?"
Nagtinginan sila at walang sumagot. Yumuko lamang sila at batid ang nerbyos.
"Please," I begged as I walk towards them. "I promise I won't tell anyone I heard it from you."
Nagsimula na akong mairita nang wala pa ring umiimik sa kanila. Walo silang maids pero ni isa walang nagsasalita.
"Okay," my voice started to sound so firm. "I think it's better to ask His Highness himself. I will make him tell me more about it since you're not giving me answers." Tumalikod na ako at akmang aalis.
"Wait, Princess Callista!"
Palihim akong napangiti. Kailangan tatakutin pa, eh.
Humarap ako sa kanila na may seryosong ekspresyon at humalukipkip. "Please, do tell me."
Ang isang babaeng tumawag sa akin ay tumingin muna sa katabi niya bago nagsimulang magsalita.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...